Ito talaga hinding hindi ko makakalimutan sa lahat. LT parin ako sa twing naaalala to😂Grade 5 ako noon nang magkaroon ng program sa school namin. Family Day ata yun eh. Syempre pag ganung event, dapat kasama parents ng mga estudyante. Unfortunately, ni isa walang pumunta. Edi beastmode ang principal at teachers dahil nilangaw lang buong program. So, required kami magpasa ng excuse letter. (To make the story short)
Isa isa na kami nagpasa ng mga excuse letter kay mam. Eh itong kaklase kong lalaki eh walang letter. Nagpanic na siya. Masungit pa naman adviser namin. Edi ayun! Gumawa na lang siya ng sariling bersyon niya ng letter. (Fastforward) Binigay na niya kay mam yung letter niya. Habang binabasa ni mam yung letter niya, nag-iiba na yung ekspresyon aa mukha ni mam. Parang naiinis na galit ganon.
Mam: Douglas! (not his real name) Ano ba tong nakalagay sa letter mo?! Pinagloloko-loko mo ba kong bata ka?!
Ano tong, 'please excuse my son for being absent yesterday because 'my teeth is toothpick'
Tawanan kaming lahat. hahahaha😂
Lt! Boset😂😂🌵P.S ayun pinatawag siya sa principal's office ni mam at kinausap.
PPS - nagpabunot ng ngipin pala ibig niyang sabihin dun.2017
ParkShinHye
Bataan