Nangyare 'to nung kasagsagan na showing ang A second chance nila popoy at basha.
Ganito kasi yon, si ex na naka in a relationship ko ng 8 months eh nagchat. (siguro mga 2 months narin kaming wala. Nagbreak kami ng walang dahilan)
Verbatim
Ex: Hi.
Me: Oh, hello. Napa chat ka?
Ex: Gusto ko lang kasi sana makabawi.
Me: Bawi saan? Loko. Yung gf mo mabasa niya 'to. (ang alam ko kasi, may gf siya)
Ex: Wala akong gf. Gusto lang sana kita yayain..
typing...
Me: (nagreact agad t*ngina kasi mga beh! yayain ng ano?!!)
Me: Gag* ka pala eh! Yayain ng ano?!! Kakachat mo lang tas puro kabastusan na agad sinasabi mo?!!!
Ex: Hindi hindi. Na send ko agad, sorry. Gusto lang sana kita yayain manuod ng A second chance. Pambawi ko man lang sa mga nagawa ko sa'yo noon. Bukas na kasi showing non ayos lang ba?
Me: (medyo kalma na) Ah sige. What time ba?
(then sinabi na yung oras at meeting place churva ekla)
Me: Sige see you tom. :)
Ex: Thank you at pumayag ka. Gusto ko lang kasi magsorry talaga sa nagawa ko. Mawawala na rin kasi ako...
Me: (nagulat syempre!) Mamamatay kanaba? :'( hala sorry inaway pa kita! ba't di mo kasi sinabi agad.. :(
Ex: Gaga. Magmimigrate lang haha see you tom A! I miss you. :*Syempre ang lola niyo kilig! Haha di pa'ko move on non mga beh! Tas eto ang di ko inaasahan eh, kaya pala nakipagbreak siya non kasi di niya na kayang magpanggap na lalaki siya. Pucha, pusong babae din pala si ex. Kaya pala never niya kong kiniss sa lips puro pisngi at forehead lang!!! Ngayon nasa Japan na yon at nageenjoy siguro sa mga snow ang gaga kaya di na'ko magawang replyan!
*Hoy bakla! Ano walang paramdam?! Pagkatapos mo'ko ikiss sa lips ganon ganon nalang?! BWAHAHAHA Oo mga beks kiniss niya ko nun nung hinatid niya ko samin. (lande pota hahaha) May second chance ba 'to? May second chance ba 'to? Sabi kasi nila wag mahihiyang magtanong....P.S. Yung brief pala niya remembrance ko at palagi ko inaamoy yon. Naiwan niya kasi nung nag-overnight siya dito. 😂😂
A. Lagcor
Manila
