Hello sa inyo HAHA char! Sana talaga mapost to. Avid reader din ako dito sa RAL.So ito na nga share ko lang 'tong karumaldumal na nangyari sa akin sa jeep. May practice kasi kami ng mga kaklase ko para sa play namin, eh late na ako nagising kaya nagmamadali ako. Kamalasan lang ang hirap pang makasakay sa jeep puro punuan, chinachat ko yung mga kagrupo ko non, sabi ko OTW na. Eh saktong may humintong jeep sa harap ko edi sakay ako agad, kahit hindi ko pa tinitignan kung puno kasi nagtatype ako.
Nung naglalakad na ako sa jeep biglang prumeno yung jeep mga bes edi nasalubsob ako. Napaupo ako, nagulat yung ibang tao yung iba nagpipigil ng tawa. Edi ako kunwari okay lang nung naghahanap na ako ng mauupuan, pisti lang mga bes punuan na pala. Edi ako nagreklamo na ako, "Nagpasakay ka pa kuya eh punuan na pala". "Isa pa diyan ma'am oh sa kanan", dahil maarte ako hindi talaga ako umupo. Sinabi ko nalang sa driver na bababa nalang ako edi patalikod akong naglakad. Eh saktong may sasakay pala, hindi ko nakita. Kaya mga bes yung pwet ko tumama sa mukha niya. HAHAHAHAHAHA hiyang-hiya talaga ako nun mga bes. Eh lalaki pa man din 'yun. Edi bumaba nalang din siya, kaya ngayon narito kaming dalawa sa harap ng altar. Char lang! HAHAHA walang ganon mga bes.
P.s. Medyo pogi siya
P.p.s. Napagalitan ako ng leader koCara Delevingne
Las Piñas City
![](https://img.wattpad.com/cover/95722651-288-k835677.jpg)