"Katakawan"

908 16 1
                                    


Hi guys! So share ko lang 'tong kahiya-hiyang experience na nangyari sa buhay ko. Saturday no'n, nasa 7/11 kami ng 3 magpipinsan ko para bumili ng icecream kasi sobrang init nga ng panahon. (Yung nasa cone po)
FF:
Nakabili na si insan ng icecream, naghanap nadin ako ng available na table since gusto namin medyo mapatagal dun sa 7/11. Libre pa-aircon na bes. Medyo maraming tao kaya naisipan nalang namin na makishare sa table kay kuyang pogi. Oo pogi sya bes bwahahahaha. Nagcecellphone sya gamit yung isang kamay nya then may hawak din syang icecream sa other hand nya. Nag iisa lang kasi sya dun. So dapat namin syang samahan. Charr hahaha.

Non verbatim:
Me: Hi kuya! Pwedeng makishare ng table?
Kuyang pogi: Yeah sure. (Then he smiled)

GWAPOOOOO!

Umupo na kami. Bale yung pwesto namin katabi ko si kuya at yung dalawa naman nasa tapat namin.

Halos di ako makagalaw ng ayos sa kinauupuan ko kse nga ang gwapo ni kuyaaa! Ang ginawa ko pinahawak ko muna sa pinsan ko yung icecream ko at nag cellphone. (Nag cecellphone kasi si kuya at mukang busy. So si ate nyo busy busyhan din.)

Nagbasa ako sa page ng read and laugh. At saktong sakto na sobrang nakakatawa yung nabasa ko AS IN! Tumawa ako. Malakas na tawa talaga. Sabay prenteng kuha ng icecream sabay dila. Tawa padin ako ng tawa hanggang sa marealize ko kung kaninong ice cream yung kinuha ko.... KAY KUYANG POGI!

Shittt. Nakakahiya grabe. Sa sobrang pagkapahiya ko patay malisya akong lumabas ng 7/11 habang bitbit yung icecream ni kuya. Waaahhh! Nakakahiya talaga lalo na kapag naaalala ko yung mga tingin ni kuya eh.
Pagdating tuloy ng mga pinsan ko sa bahay wala silang ginawang iba kundi asarin ako. crying emoticon

Ps: Sa table ko lang po talaga sana balak makishare at hindi sa icecream nya.
Pps: inubos ko po yung icecream nya habang naglalakad. ANSARAP!
OO NA KADIRI. CHE. SAYANG YUNG PERA KO PAMBILI NOH! KERIBELS NA YON!

CookiesAndCream
Others

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon