"Hokage moves gone wrong"

1K 15 0
                                    


I have this one friend na hokage boy, walang patawad kahit professor namin minsan hinohokage nya. Madalas pag nasa jeep kami tapos may magandang babae tinatabihan niya talaga at magkukunwareng nakatulog tapos sasandal sa balikat.
One time pauwi na kami galing school at sumakay ng jeep. Hokage talaga tong si ogag, umupo siya banda sa tabi ng magandang babae kahit masikip dun banda, sabay maya kindat sakin. Alam ko na ibig sabihin nun, hahaha.
Maya maya ayan na siya, kunware nakatulog tas mapapasandal kuno sa balikat. Hinintay ko reaksyon ni ate kung magagalit pero SUCCESS si gag*! Di umangal si ateng at napangiti pa hahaha. Maya maya ay pumara at bumaba na si ate. Ngiti sakin si gag* at pabulong na sinabi sakin "ang bango" hahaha. Pagdating sa kanto ay may sumakay na babae din, pero this time mas maganda sa nauna, saktong tumabi siya sa tabi ng hokage kong kaibigan. Matik na yun alam kong gagawin niya ule yun. Maya maya di ako nagkamali, ginawa nya nga, pumikit bigla at kunware nakatulog na.
3 2 1, ayan na, dahan dahan na siyang sumasandal sa balikat ng babae, sleeveless si ate kaya alam kong tuwang tuwa siya. Hahahaha.
Nakasandal na siya at halatang ayaw ni ate dahil inaangat angat nya braso nya kaya inalis ni hokage ulo nya. At kunware biglang nagising, hahahaha L.T talaga ako nun. Maya maya balik daw siya sa tulog at nagtatangka na sasandal ule kay ate. Ng pasandal na ule siya, biglang "PLAKKKK! ang narinig ko, sinampal siya ni ate ng sobrang LUTONG!
(Verbatim)
Ate: Punyeta kang manyak ka! Halatang sinasadya mo!.. Para Kuya! Bababa nako!
Bumaba si ate bigla at lahat kami sa jeep tumahimik at biglang napatawa. Hahahaha grabe yun! Naawa ako sa kanya pero mas nangingibabaw talaga yung tawa ko nun hahahaha.
Namula ang pisngi nya at di daw siya makarinig ng maayos sa tenga dahil ata dun sa sampal ni ate. Hahahaha, simula nun dina nya yun inulit, di narin siya hokage. Hahaha

Sana mabasa mo to tol, alam ko reader ka rin dito! :D

Mr. Not Hokage
Taga Jeep

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon