Around 10:30pm na nung makasakay ako ng jeep, (Im a working student kasi kaya gabi na ako nakakauwi galing work.) Kunti lang nun yung pasahero, 3 kami sa may kaliwa, 3 din sa kanan. Pag upo ko, saktong sa harap ko ay magcouple. Habang nasa byahe kami panay ang harutan nilang dalawa. 'Di maiwasan na mapapatingin ka sa kanila dahil ang ingay nila kakatawa, kahit yung ibang pasahero napapatingin din sa kanila. Maya maya bigla nalang silang tumahimik, kaya nagtaka ako at tiningnan sila.Pagtingin ko, nak ng tupa! Naglalaplapan pala sila, nakakagulat dahil parang wala man lang silang hiya. Maya maya biglang nagsalita yung matandang lalaki na pasahero.
Verbatim
Matanda: *nagpaparinig* Mahiya naman kayo!
Lalaki: *napatigil at napatingin sa matanda* Kupas kana kasi tay kaya inggit ka lang!
Matanda: *natulala*Di ako nakatiis kaya naman nagsalita din ako sa lalaki.
Ako: Pare mahiya naman kasi talaga kayo! Kalaswaan yang ginagawa nyo eh.
Lalaki: Isa karin, wala ka atang gf na nilalaplap kaya inggit ka din.
Ako: Abay p*ta ka pala eh no!? Hoy gag* may GF ako, mas maganda pa dyan kesa sayo. Pero di ko siya nilalaplap sa harap ng ibang tao. Matuto naman kayo lumugar!! (medyo pasigaw)
Lalaki: *nanahimik*Di napatingin pabalik sakin yung lalaki at ilang saglit lang bumaba sila. Napatingin sakin yung matanda at napangiti, ganun din yung ibang pasahero. Di ko alam yung sinabi kong 'yun, kumulo kasi talaga dugo ko sa asta ng lalaki lalo na sa sinabi nya sa matandang lalaki. Sobrang walang galang! Bukod sa walang respeto di pa marunong lumugar. Kung ilalarawan ko sila ang babata pa nila kung tutuusin, around 16 to 18 lang yung age nila pero ganun na! Kabataan talaga nowadays ibang iba na. Di ko sinasabi lahat ah.
Working Student
Taguig