Gusto ko lang ishare yung naranasan ko habang bumabyahe pauwi sa bahay kahapon. Maaga akong umuwi, mga 5pm ganern. Habang bumabyahe kami ng kaibigan ko sa jeep tinitingnan ko yung batang halos katapat ko lang. Mukhang mga 6 years old na ganern, edi ako nakikinig ako sa convo nila ng mama niya.
Bata: Ayoko na nito ang sakit sa tiyan *sabay balik ng buko juice sa mama niya.*
Mama: magpapractice tayo mamaya ha?
Bata: Magpapahinga muna ako.Syempre ako natutuwa dun sa bata kasi ang matured na niya mag isip, hahahaha. Hindi pa din naalis yung tingin ko sa baby girl. Tinitingnan ko talaga siya kasi naiisip ko sa kaniya yung kapatid kong kapapanganak lang na kahapon lang din dumating.
Maya maya, tumingin yung bata sa katabi niyang pasahero. Nagtaka ako nung napatingin siya sa babaeng katabi niya.
Bata: Candy Crush?
Ateng katabi niya: *napatingin sakaniya & napangiti nalang.*
Bata: ate mali, dapat don yon o!
Ate: *di siya pinapansin.*
Bata: ayan tuloy wala ka ng moves. Isa pa ate!
Ate: *di ko alam pero naglaro ata uli.*
Bata: ano ba yan, dun mo ilagay o para apat.
Bata: sino si Gerald?
Bata: punta ka dito sa bahay *binasa niya ata yung text nung gerald.*
Bata: miss na kita *basa uli.*
Bata: ate reply ka, miss ka na daw niya.
Ate: *hiyang hiya na.*
Nanay nung bata: shhhhh, hayaan mo siya *binabawal yung bata.*
Bata: Mami, boypren niya ata 'yong gerald.
Bata: uy, may text pa. "Tara dito sa bahay wet na ako."
Bata: ate, ano yong wet?
Bata: ateeeeee *kinakalabit yung si ate.*
Ate: Manong, dito nalang po.Kai
Cabanatuan