Yung tatay ko na kapag lasing eh makakalimutin. Halos lahat nalang hahanapin nya. Kahit na tulog na siya gigising talaga siya para hanapin yon. Ganito kasi, bale kakagaling lang ni papa sa inuman nakipag-birthdayhan sa kabit niya, ay kapitbahay pala namin. Tas yon na nga pagdating niya sa bahay. *TOOOOGSSHHH* Biglang bumukas yong pintuan, umiiyak si papa.NV.
S: Ba't ba kasi ako nandito?
A: Aba pa malay ko.
S: Sumasagot kana? Di niyo man lang pinakita yong halaga ko mga PASHNEA. *sabay tawa*Di ko alam kung san ni papa nakuha yang pashneang yan. E di naman kami nanonood sa GMA hahaha!
S: *pinunasan yong luha niya* Syempre joke lang mahal ko kayo. (sabay higa)
Habang ang sarap na ng tulog naming lahat. Bigla syang sumigaw.
S: HOYY!! Sino kumuha ng ngipin ko? (syempre kaming lahat nagising)
A: Pa matulog ka na nga dyan!
S: Tinago mo yong ngipin ko no?
A: Luh? Aanohin ko namn yon?
S: Pashnea ka! (sabay nakatulog na)Hahahahaha di ko kineri mga bes yong pashnea. Pag nalalasing talaga papa ko lagi niya hinahanap sakin yong ngipin niya tsk. Pero mahal na mahal ko papa ko pa love you
P.S: Paglasing papa mo wag mo nang kausapin, mahirap na baka pagbintangan ka kung nasan ngipin niya.
Ate mong kwot
Muntinlupa