"Half brother pala"

824 14 0
                                        


Nung kelan lang to. Nagmall kasi kami ni kuya ko. (half brother ko kaya di ko masyado kamukha tas magkalapit lang age namin)
Eh eto si boyfie ko nagyayaya makipag-date tas natapat pa kung kelan gusto ni kuya na ilibot ko siya dito sa SM Manila.
Di ko na sinabi kay boyfie na aalis kami ni kuya, tumanggi ako sa date namin kaya medyo tampururot siya.
Tas eto pagtapos namin maglibot ni kuya kumain kami tas naglaro kami sa palaruan non. Tom's world ata yon. Dun kami sa may kinukuhang teady bear. Yung hinuhulugan ng token. Tas nagulat ako kasi paglingon ko si boyfie ko nandon!!
Nv.
Boyfie: Ah kaya pala ayaw mong lumabas tayo kase may iba kana.
Me: Hindi--
Boyfie: (sabay lumapit tas sinuntok si kuya taena!)
Mga tao: 0______0
Kuya: Pare, ano problema mo? T*ngina mo pala eh pupunta ka rito tas mananapak ka. Ano mo ba to trish?
Me: Ah, eh kuya di ko nabanggit sa kaniya na lalabas tayo ngayon may date sana kami.
Boyfie: Ano sabi mo? Kuya? Trish.. Wag mo sabihing eto yung half brother na nakukwento mo?
Me: Oo, baliw ka. Ipapakilala pa naman kita kay kuya.
Kuya: Eto ba yon? T*ngina mukha bang lolokohin ka ng kapatid ko? Tss magtiis ka. Di ka makakapunta sa bahay. Lugar mo pre ugali mo.
(sabay alis)
Yun mga tao potspa!! Kala mo nasa tv kami para pagpyestahan tas lumapit na ibang guards, kinausap kami. Pagtapos lumabas nalang kami ni boyfie. Sorry ng sorry sakin. Ganun din ako, pero si kuya ayon nanghingi ng kondisyon. Bago daw siya pumasok ng bahay eh, may dala siyang pagkain palagi. Eh araw araw si bf nadalaw sa bahay. Ubos lagi pera hahaha pero ayos lang daw yon, makabawi lang daw kay kuya at sakin. :)

P.S. Makakaisang buwan na bukas yung pa-kondisyon ni kuya, happy happy si boyfie kasi makakapag-ipon na raw ulit siya. Uuwi na kasi si kuya don sa totoong bahay nila, binisita lang ako para makilala si boyfie haha okay na sila ngayon. Actually, nagbabasketball pa nga sila habang tina-type ko 'to ngayon. 😂
P.P.S. Tag ko sila pareho pag na-post to. Hehe thank you admins!

Trish
Manila

Best of Read and Laugh (Facebook)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon