Kahapon lang nangyari to e.Overheard sa dalawang guys na nakatabi ko sa UV:
(Non verbatim)
Guy 1: (Sumandal sa balikat ni Guy 2)
Guy 2: Pre, Ano ba! Alis nga!
Guy 1: Pasandal lang ano ba 'to damot.
Guy 2: (Winawagayway yung balikat nya para maalis si kuyang sumasandal)
Hoy! Alis na! Nakakairita!
Guy1: Tss! Nakakairita daw! Pero kapag syota mo sumasandal sayo kilig na kilig kapa! Luuuuul mo!
Guy2: Gag* (natatawa)
Guy1: Bakit? Ilang buwan na ba kayo nyang girlfriend mo ha? P*cha tayo ilang taon na magkaibigan! Mas matagal na tayong nagkasama! Tas sasandal lang ayaw mo? Grabe ka!
Guy2: Namo! wala ka lang syota e.
Guy1: ...HAHAHAHAHAHA yung kanina pa ako naiinis sa kaingayan nila pero nung narinig ko yan deep inside gusto ko matawa? LOL! Natahimik tuloy si koya.
Chismowsa
Parañaque