Alam kong matatawa ulit yung mga kaibigan ko kapag nabasa nila to. HAHAHA!So, ganito yun. Pumunta kami sa bahay ng tropa namin. Pag pumupunta kami dun, lagi kaming pinaglulutuan ng nanay nya ng ginisang pansit. Ang sarap magluto ng nanay nya, promise. Pero nung pagpunta namin doon, wala yung nanay nya. Ang tagal naming tumambay doon hanggang dumating sa point na nagutom na kmi. Naisipan namin na bumili nalang ng pansit canton at yun nlng ang lutuin. Yung tropa namin na may ari ng bahay ang nag volunteer magluto. Actually, di sya marunong magluto at dahil pancit canton lang naman, hinayaan na namin sya. Doon kmi nag hintay lang sa sala nila.
Hanggang sa ilang minuto na ang lumipas pero di pa luto yung pansit canton. We decided na pumunta na dun sa kusina para icheck.Nakita namin sya na nakaupo sa tabi.
Ako: Di pa luto bes?
Sya: Wait. Mayamaya.Tiningnan ko na yung kawali na may takip.
Tapos bumungad sakin yung pancit canton na nakalagay sa kawali. Bigla akong natawa. Tawa with feelings bes. Haha!YUNG PANCIT CANTON, WALANG TUBIG. AS IN WALA.
tapos tinanong ko sya kasi baka nakalimutan nya lang,Ako: bakit walang tubig?
Sya: tubig? Bat lalagyan ng tubig? Di ba noodles lang yung may sabaw? Wala namang sabaw yung pancit canton a.SO, SERYOSO TALAGA SYA NUN BES. AS IN TUMAWA NA TALAGA AKO. PAti mga kaibigan namin, di na napigilan tumawa. As in.
Sya: Bakit ba? Magmomoist lang yan kapag nilagay na yung seasonings di ba?
PINAGTANGGOL NYA PA TALAGA YUNG PANCIT CANTON NYA.
HAHAHAHAHAHA!PS. Lesson? Wag mahiyang magtanong.
PSS. Basa basa ng instruction pag may time.-unicaiha