Noo ko lang ba? Noo ko lang bang sinasabing nagiging protractor ninyo pag susukat? Noo ko lang ba yung pinangsusukat kung gano kalaki yang mga pesteng daliri nyo?! Noo ko lang ba yung sinasabihan nyo na landingan ng eroplano?! Okay, kalma lang.So, eto kukwento ko lang yung nangyari sakin sa school kasi kadalasan akong nabubully dahil sa mala- araneta kong noo sa sobrang lawak. Edi nakasalubong ko yung kaklase kong lumulundag na sa sobrang taba. Itago nalang natin sya sa pangalang "Nonoy".
N.V.
Nonoy: Oy hi 5 nga dyan! (nakangiti)
Ako: (di sya pinansin)
Nonoy: Hoy, hi 5 lang eh di pa ko pagbigyan.
Ako: (inangat yung kamay ko para makipag hi 5 at tiningnan yung kamay nyang nakatapat sa noo ko)
Ako:(nakakunot yung noo) Oy, bakit nakatapat sa noo ko yan?
Nonoy: Huh? Eh dito ko nakikipag Hi 5 eh. (sabay apir sa noo ko) Kita mo nga! Saktong sakto pa sa lima kong daliri, ay hindi may sobra pa oh! HAHAHAHAHA. (narinig ng iba kong mga kaklase saka nagtawanan)Aba. Tena yan. Kailan pa naging kamay ang noo ha? Noo na ba pinangsusulat? Noo na ba pinanghuhugas sa pwet?! Ano sabihin nyo! Nyemas mamatay na kayo lalo ka nang Nonoy ka! Akala mo kung sino makapagsalita, eh ikaw nga tong pag nakatayo eh hindi maabot ang kadulu-duluhan ng paa mo pag nag pp.e tayo, sa sobrang daming harang ng taba mo, nyemas ka.
P.S. Humanda kayo magpapabangs ako.
P.P.S. At dahil sa asaran namin ni Nonoy, naging kami ng hindi inaasahan at monthsary namin ngayon.
P.P.P.S. Oy walang ganyan! Kala nyo noh? Yayks, magkabalibaligtad man yung mga taba nya hindi magkakatotoo yan!
P.P.P.PS. Wait for my revenge, Nonoy.
Ate mong galit kay Nonoy
Unknown