Haha! Gusto ko lang i-kwento yung nangyari sa akin kahapon. Admin, sana ma-post 'to. Haha! Ganito kasi 'yon, 12:10 na ng tanghali kaya naman uwian na namin. Edi ang ginawa ko, dali-dali akong lumabas kasama yung dalawa kong kaibigan na sina H at V. Dahil nung time na 'yun, napag-planuhan ko na talaga lahat. Teka hindi niyo pa pala alam yung plano ko. Ibibigay ko kasi kay crush yung letter ko sa kanya. Hindi naman kami mag-kaklase dahil iba yung section niya.Maya maya, lumabas na siya ng classroom! Edi nag-hurementado na naman yung puso ko! Nagda-dalawang-isip na naman ako kung ibibigay ko na ba talaga sa kanya o hindi! Naglakad siya papunta do'n sa hagdan, edi sinundan ko din! Huminto siya ng hindi pa siya nakaka-baba, napansin niya ata na sinusundan ko siya. Maya maya nagta-takbo na siya pababa ng hagdan kaya naman hinabol ko na naman siya. Huminto na naman siya at nung time na 'yon, tumingin siya sa akin. Kinabahan ako ng husto no'n! Parang natuyo na yung lalamunan ko! Nagta-takbo na lang ulit ako paakyat sa taas, hindi ko na naman nagawa! Sinalubong ako nina H at V. Naglakad ako papunta sa classroom dahil cleaners pa ako, inuna ko pa kasi yung pag-sunod kay crush eh. Habang naglalakad kami ay bigla kong naka-salubong si crush! Napa-oy pa nga ako ng mahina sa kanya at hihigitin ko sana siya kaya lang nagtatakbo na naman siya palayo! Hindi ko na siya naabutan.
FAST FORWARD~
Nasa bahay ako nina H, tambak kasi ng assignment pero inuna ko pa rin ang pagce-cellphone at pagi-stalk kay crush. In-add friend ko yung nanay at tatay ni crush. Save pictures here, there! Stalk-stalk. Chat kay crush kahit hindi niya naman pinapansin. Hindi pa nga siya nagre-reply sa akin, hindi niya rin ina-accept friend request ko.
AT! Maya maya lang, naka-tanggap ako ng message galing sa mommy ni crush.
N/V:
M: Baket ba message k ng message kay *insert name of my crush here* ha??
Siguro ikaw din gumawa ng acct niya na dummy
I know you
Na view ko n lhat ng profile mo!Kinabahan naman ako bigla. Like, napa-oh my God na lang ako!
A: Huh? Hindi po.
M: So stop messaging my son. Hindi ka nga nya ina accept aѕ friend eh
A: Okay po.
M: Mag aral ka muna ng mabuti
A: Nag-aaral naman po ako ng mabuti, ma'am.
M: Ok..cge..ѕo ѕtop messaging my ѕon..
Stop stalking him...
A: Haha, okay po.
M: Nakakatawa???
A: Hindi po.Katakot siya, bes! Hindi ko akalain na gano'n ka-protective yung mommy niya! Natakot ako! Buong gabi kong inisip 'yun! Huhu! Binubuksan pala ng mommy niya yung Facebook ni crush. Busted tuloy agad ako, ng mommy ni crush!
P/S: Huhu! Nakakatakot talaga yung mommy niya. Super protective siya, bes! Hindi ko kineri!Stalker Ni Crush
Laguna