"Confession Gone Wrong"

749 6 0
                                    


Sobrang close kami nitong bestfriend ko, eh kasi simula bata pa kami, kami na palagi yung nagkakasama at alam nyo na yung feeling na kase opposite sex kami tas sabi nga nila na pag ganun, may isa talaga babasak, mafa-fall. I decided na magconfess kay bestfriend ko.

So eto na nga, nagkita kami tas pinaupo ko sya, di ko maiwasan na di umiyak habang sinasabi yung nararamdaman ko sa kanya dala na rin siguro ng saya, kaba at takot kong nararamdaman. So ayun na nga, masyado na kong emosyonal, seryoso ako sa mga panahong iyon. Pagkatingin ko sa mukha nya, tumatawa yung p*ta parang nangiinsulto.

S: Hahahahahahaha! 'wag mo 'kong pinagloloko shai.
A: Gago! Eh umiiyak na nga yung tao!
S: Pwede ka nang mag artista friend! Hahahaha magaleng ka.
A: Pta. Sinabi ng nagsasabi ako ng totoo e!
S: HAPPY APRIL FOOLS DAY SHAAI!
A: Ha ano?
S: Sus, kunware pang pta. Hahaha 'di moko maloloko ugok! Wahaha kala mo naman mapaniwala moko? April Fools day ngayon oi!  hahaha

Amptcha! Confession Gone Wrong mga bes! Hahahaha. Hindi talaga sya naniwala, sobrang tanga ko kase di ko namalayang April 1 pala jusmiyo. Malay ko bang may April Fools eh hindi naman kinulayan ng red ang petsang April 1. Kaya ayun, napasabi nalang akong,

"HAHAHAHAHAHA 'DI KA TALAGA NALOLOKO BES ANO? AMPTCHA!  HAHAHAHAHA HAPPY APRIL FOOLS DAY BESTFRIEND!"
Kaya ayon, tawa nalang kami ng tawa tapos sinabi pa niya "KAHIT ANONG MANGYARI, BESTFRIEND PA RIN KITA".

Okay na sana yung pinagtawanan niya ko kesa naman sinabi nya 'yun. Gumuho talaga mundo ko bes huhuhu eh sa best friend nya nga daw ako kahit anong mangyari. Kaya ayon, di nako mag coconfess, basted na'ko indirect nga lang.

PS: Sa mga magcoconfess dyan! Malapit na April 1.  Umamin kana atleast diba di halata kase April Fools Day.

Ps. HOY BESTFRIEND, SOBRANG MANHID MO! SANA KUNIN KA NA NI LORD! DJKE HAHAHA MAHAL KITA BESTFRIEND AMPTCHA SANA SA SUSUNOD IKAW NA MA FALL SAKEN SIGURADONG DI LANG TAWA YUNG MATATANGGAP MO! Haha!

Inday Neneng nyo to.
Others.

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon