Nasa loob kami ng classroom non. Tapos may kaaway ako na lalaki na matangkad na may balat sa mukha na laging natalsik ang laway pag nagsasalita, ewan ko ba ba't ganun. May laway lagi sa gilid ng labi niya. HAHA tawagin nalang natin siyang siso.Di ko na matandaan kung bakit kami nag away kasi grade 6 palang ako non. Edi nag sagutan kami ng achuchu e may sipon ako ng mga oras na yon, tapos pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namen. Hindi ako nakapgpigil sinabunutan ko na siya grabe kapit sa kamay ko sandamakmak ng gel bes 😂 eh etong si siso gumanti ba naman. Sinuntok ako sa mga braso mga bes! Masakit un no! Lalaki yun eh!
Tapos payatot pa edi syempre buto buto yon! Tapos ako naman tong si tapang tapangan e paiyak nako sabi ko ba naman"HINDI PA TAYO TAPOS!" Tapos biglang lumubo yung sipon kong green bes!
PU*************!!!! Pinunas ko kagad
P***********!!! TINAWAN AKO NG MGA KAKLASE KO PATI NI SISO!YUNG IBA GUMULONG NA SA SAHIG PAGTAWA!
Eh ako? Huhu nakitawa nalang din ako. Edi ang ending nagkabati kami dahil sa lumubo kong sipon!
P.S. Hindi transparent yung sipon ko, green talaga punyemas!
PPS. Make sure na walang sipon pag nakikipag sagutan!Lapot
Laguna