"Oh! my pustiso"

658 10 0
                                    


Gabi nun, kasama ko ang pinkamamahal kong boypren, nakahiga kami at nagkukwentuhan, nagkukulitan ('wag marumi ang utak) tapos bigla siyang nagjoke ng 'di maganda sa akin, eh ang lola niyo mas pabebe pa sa mga pabebe girls kaya nagtamporochi ng bongga (papasuyo ang nais).Ugali kasi nung ugok na 'yun pag sinusuyo ako, nangingiliti. Ayun na nga mga ate, sobrang kiliting kiliti na ako sa pangingiliti niya. Tawang tawa na ako (siguro level 15430000 na).

Nakapatong pa siya sakin kaya halos 'di na ako makahinga, nang P@xx++@@(( !@ mga besh! Natanggal pustiso ko at nahulog! Kinapakapa ko ng pasimple habang patuloy siya sa pangingiliti sa akin. Buti nlang dim yung light kaya 'di niya napansin kaso epic mga besh! 'di ko makapa kaya napilitan ko ng sabihin sa kaniya na "ui! pustiso ko! Nalaglag!" kaya ayun, tawa na ng tawa ang gag* ! Dami niyang tawa e, siguro mga wantawsansebentipayb. HAHAHAHA. hiyang hiya ako an*mal! Perstaym eh.

PS: Mahal na mahal pa rin daw naman niya ako kahit mawala pa ng tuluyan pustiso ko.  Sa katunayan nga, mag 2 years na kmi nxt month (di uubra ang sumpa ng twentitri samin. Oh ha? Ano kayo?

Prinsesa ng Marino
Cagayan Valley

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon