"Piolo Pascual"

1.1K 15 1
                                    


Share ko lang tong experience ko kasama si kuya. So ito na, nangyari to nung mga grd5 ako. Naalala ko magpapagupit ako nun eh, si papa lagi kong kasama pag nagpapagupit kaso busy siya kaya si kuya nalang daw sasama sakin. Sabay nalang daw kami. Fast forward...

Habang nakaupo kami ni kuya sa barber shop. Naghihintay na matapos yung ibang customer may tinanong siya sakin.

Verbatim:
K: ano papagupit mo?
A: barbers cut. (yung nakagawian ko dati.)
K: ang jologs amp. Tanga may uso ngayon.
A: ano?
K: alam mo yung gupit ni piolo pascual yun. Yun nga papagupit ko eh.
A: ano ba tawag dun?
K: uno tapos devil cut. Tingnan mo gupit ni piolo diba astig nun.
A: ulul. Yoko nga.
K: ayaw mo nun? Magiging kamukha mo si piolo. Astig talaga promise.
A: sige na nga! Ikaw magsabi sa barbero ha.
K: oh sige.
Barbero: oh boy ikaw na. (turo sakin)
A: sabihin mo yung pang piolo ah.

Tumayo nako tas sumunod naman siya.

K: ya uno po tapos i-devil cut niyo.
Barbero: sigurado ka?
K: *tumango*

Ito na excited nako magiging kamukha ko na si piolo pascual shhht. PERO P*TA INUNA YUNG GITNA NG ULO KO SA PAG RAZOR T*NGNA. GUSTO KO SANA PIGILAN YUNG BARBERO EH KASO HULI NA BW*SET!!! MANGIYAKNGIYAK AKONG PINAPANOOD SARILI KONG KALBUHIN NUN L*CHE!! HABANG SI KUYA KITANG KITA KO SA SALAMIN PINIPIGILAN YUNG TAWA.

Nung tapos na patulo na talaga luha ko nun eh. Di ko na hinintay matapos si kuya sh*t siya!!! Di naman piolo pascual to eh!!! Nagmukha kong si Saitama na nognog version l*ntek!! Yun no choice ako. Umuwi akong nakatalukbong ang ulo gamit yung sando ko. Pagdating ko sa bahay tinawanan pa ko nila mama, bw*set talaga t*ngna. Paguwi ni kuya inaasar asar pakong "pogi ni piolo pascual ah" Yun na uppercut tuloy siya ni mama with malutong na kurot sa b*tlog.

Dun sa napagkwentuhan ko nito sige magsalita kayo papatokhang ko kayo!!! Dun sa kuya kong matino kung nagbabasa ka dito bw*set ka parin!!!! Ilang days akong absent nun dahil sa kahihiyan!

Ps. Wag kayo papauto sa kuya niyo!!
Pps. Ako yung nagconfess ng lactacyd HAHAHAHA nabasa ko mga comments niyo, mas malala pala inyo eh ginawang shampoo yung ph care tas yung iba pinangmumog dfq.

Bobloks
Others.

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon