"'KAHIHIYAN NI SIR"

705 8 0
                                    


March 15 2017, tanda ko pa e hapon yun, uwian na namin galing school (naks masipag ho kaming pumasok haha). Ganito yun, nasa jeep kami so ako nakaupo sa right side at yung kaibigan ko nasa left side. Tapos nang di inaasahan nakasabay namin si Sir (bakla ho sya nasa 28 ata, Sir tawag namin kasi nagpractice teaching siya samin ng gr.10 kami) siya kasi yung tipong barka-barkada lang, so tumabi si Sir sa nauupuan ko. Edi sige superchika si Sir, kwento here kwento there and kwento everywhere siya haha nag ala-LOLA BASYANG siya dun ah hahaha. Tapos may mga sumakay ulit sa jeep, kasama na dun yung isang pogi pero maitim naming kaklase hahaha ano siya tall, dark and handsome char hahaha! Umupo siya dun sa left side, edi kaharap na namin siya (imagine niyo nalang haha). Tapos sa di inaasahan may sumakay ulit mga bes, pogi siya bes oo pogi hahaha. Siguro mga Grade 8 yun tapos tumabi siya dun sa "maitim pero pogi" naming kaklase.

Edi itong si Sir nabuhayan ng loob kasi may pogi siyang kaharap tapos pinagkakalabit niya ako kasi type niya daw yun. Di ko inaasahan na ilalabas ni sir phone niya. Si Sir pangiti-ngiti lang. Napa-isip ako kung anong gagawin niya. Tapos si Sir pinagpepwesto na yung phone na parang magpi-picture. Edi ako naman nagtaka at sinabi ko sakanya na palihim na baka ka ko may flash yung back camera. After 123456789 years, joke seconds lang pala hahaha. Pinindot na ni Sir yung camera at waaaaaaaaaaaaaaw! Biglang nagliwanag mga bes, liwanag dahil sa FLASH ng camera! Pinicturan pala yung pogi na G8 HAHAHAHAHA! Nagsitinginan silang lahat at etong si Sir walang magawa kundi iyuko yung ulo niya sa kahihiyan hahahahaha!

At dahil sa alerto ako, agad naman akong nakaisip ng idea *ting*

Ako: (nakatingin sa kaklase naming maitim ) Uy Classmate! Tiningnan lang namin kung puputi ka ba sa camera pag may flash hahaha.

Si Sir? Ayun! Pinawisan ng malamig dahil sa kahihiyan haha. Yun lang po at salamat sa pagbabasa nang nakapahabang kahihiyan hahaha.

Ate niyong kulot na Grade 11
Asdfghjkl

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon