"How God changed me"

693 25 0
                                    


Aaminin ko, NOON wala talaga akong kwentang tao. Kebata-bata ko pa puro awayan na agad ang gusto ko, nagka-cutting classes, grabe na magmura, at higit sa lahat HINDI NAGSISIMBA. Yeah, tama kayo... HINDI AKO NAGSISIMBA. Pero I know God and the bible. Hindi naman masyadong napariwara ang buhay ko pero as a STUDENT hindi magandang tignan lalo na at BABAE ako. Hindi ko ito sinasabi kahit kanino dahil ayaw kong ino-open up ang topic about my life. Ayaw ko ring magkwento ng buhay ko lalo na kapag SOBRANG private na talaga. Ngayon lang ako naglakas ng loob na i-share since hindi niyo naman malalaman kung sino ako (but the admin does).

NOON, may church kami pero kalauna'y umalis din dahil hindi ko alam ang reason. Lumipas ang mga taon, walang pinagbago ang takbo ng buhay ko. May mga honors naman ako kaso nga lang kulang ako sa knowledge about GOD. Wala akong alam na mga worship songs at verses, kahit na John 3:16 di ko alam. Kahit na may mga honors ay hindi ko alam kung bakit pero napapansin kong parang lagi kaming minamalas sa buhay. Minsan wala kaming makain, nangungutang lang kami ng ulam at bigas NOON, madalas nag-aaway ang mga magulang ko at minsan na itong umabot na hiwalayan. Lagi akong umiiyak tuwing gabi at sinisisi si God kung bakit Niya kailangan gawin sa buhay namin 'to. Kung bakit kailangan namin dumanas ng mga problema. Kahit na alam kong masama ay sinisi ko parin si God, nagalit ako kay God. AND I GUESS THAT WAS THE BIGGEST MISTAKE THAT I MADE.

Lalo pang lumala ang nangyari, ang dating kinatatakutan kong mangyari ay nangyari na. Umalis si papa sa bahay dahil galit sa kanya ni mama. Si papa lang ang may trabaho kaya nung umalis siya, kaya di namin alam kung san kukuha ng pera pang-tawid gutom. Lumipas ang ilang linggo at ganon parin ang nangyari, pero ngayon ay pumupunta na kami ni kuya sa bahay na tinutuluyan ni papa para humingi ng pera. Binibigyan niya naman kami. Mahal niya kaming magkapatid pero si mama ay may galit sa kanya kaya di siya maka-uwi.

Nanatiling ganon ang mga pangyayari at makaraan ang ilang linggo ay tuluyan nang bumalik si papa sa bahay at nagkaayos narin sila ni mama. I guess love is still the most powerful thing in this world. Napagdesisyunan ni mama na umattend kami sa dati naming church dahil nitong mga nakaraan araw daw ay di maganda ang pakiramdam niya.

Mababait ang mga tao sa church, friendly at matindi ang pananampalataya kay God. Sobrang namangha ako sa kanila kasi grabe ang alam nila about sa bible. Inisip ko kung gagayahin ko rin sila? Mukhang ito lang ang makakapag-alis ng dati kong pagkatao.

At ganun na nga ang nangyari. THE OLD ME SUDDENLY DISAPPEARED! THANKS TO GOD! Binago Niya ako! Lagi na kong na-attend ng mga cell group, Sunday school at iba pa. I can truly say na binago ako ni God! He is surely POWERFUL! Nilalaban narin ako sa mga bible quiz dahil marami na kong alam na mga bible verses. Naging maalwan narin ang dating malungkot at walang kulay naming buhay! Kaming buong pamilya ay sabay na pumupunta sa church para kay God! And thanks to God dahil si kuya ay tumutugtog narin sa church as guitarist. I'm proud of my family! And I'm thankful to God, kung hindi dahil sa Kanya ay kagaya parin ng dati. Thank you God!

P.S. SA LAHAT NG MGA NON-BELIEVERS AT HINDI PA NAKAKAKILALA SA PANGINOON. HANGGA'T MAAGA PA ILAPIT NYO NA ANG INYONG SARILI SA KANYA. JUST PRAY NA SANA BAGUHIN NIYA KAYO, ANG DATING KAYO. TRUST ME, IT WORKS!

P.P.S. (Jesus) replied, “Because you have so little faith. Truly I tell you, if you have faith as small as a mustard seed, you can say to this mountain, ‘Move from here to there,’ and it will move. Nothing will be impossible for you.” Matthew 17:20 NIV

ChangedByGod
Others

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon