Bale 2nd year college ako, taking up BS
Criminology. May kapatid akong 10 years old at siya yung bunso, lalaki kaming dalawa. Dalawa nalang kaming anak sa bahay kasi may asawa na mga kuya at ate namin. At eto na nga, habang kumakain kami kanina ng hapunan e nagtanung-tanung si bunso kung anung ginawa namin sa school, gusto rin daw niya kasing maging pulis dahil idol niya raw ako at si Cardo (di niyo kilala si cardo?! Sa probinsyano yun uy!)
NV
B: Kuya, anung ginawa niyo kanina sa school niyo? (seryoso)
A: Nagfiring kami tol
B: Huh? Anong sinunog niyo kuya? (seryoso parin)
A: Hahahaha ulol. Hindi yun, firing yung nagpaputok kami ng baril. At may patatamaan kami (natawa narin sina ermats at erpats).
B: Ah ok kuya. Sorry naman, di ko alam eh. Pag ako college na, magfa-firing din ako hehe
A: Ah ok tol.
B: Eh bukas kuya? Anong gagawin niyo?
A: Magka-klase tol.
B: Ayy! Akala ko magfa-firing ulit kayo, panonoorin sana kita. Eh anong oras matatapos klase niyo? Kelan ulit kayo magfa-firing kuya?
A: Andami mo namang tanong, panonoorin? Haha. Loko ka eh may pasok ka bukas at half day lang sana ako bukas pero magme-make up class kami sa hapon at next week ulit yung firing namin. Bakit? San lakad natin?
B: Ahh, wala naman kuya. (Natahimik at biglang) Ano kuya? Make up class?! So nagme-make up kayo?! Dina kita idol kuya! Bakla ka pala eh! Ma si kuya nagme-make up daw ohh!!
M: Hahahaha anak, iba yung tinutukoy ng kuya mo. Make up class eh yung mga di nila naklase last week kasi wala silang pasok. Ihahabol nilang iklase bukas.
B: Ahh ok ma (natahimik na).
After 3 minutes
B: Eh kuya, tapos na ba 4th grading niyo?
A: Wala nang fourth grading samin, pero finals na namin.
B: Ahh, eh sinong maglalaban kuya? (basketball tinutukoy niya)
A: Hahahaha! Shut up kana nga lang jan tol, kain ka nalang. Malalaman mo yan pagcollege kana hahaha
B: (nanahimik na parang naguguluhan)
Hahahahahaha LT ako kay bunso eh. Di ako nakapag concentrate kumain hahaha.
Ps. Gwapo raw ako pero mas gwapo raw si bunso, ouch naman.
Pps. Ba't pag bunso raw mas gwapo o mas maganda raw kesa sa kuya/ate nila? Totoo ba?
Kuya mong TDH
ILOCOS
