"DATE"

991 15 0
                                        


Matagal na akong may gusto sa bestfriend ko. Alam naman na niya. Tinutukso pa nga ako. At tsaka natural na malandi yung bestfriend ko kaya papalit-palit ng girlfriend. Di awkward pag nagbabanatan kami. Chill lang. Tropa tropa. Pero kinikilig ako minsan. haha. katiii!

So eto nga. February na. Single ako. Kaka-break lang namin ng boyfriend ko. Tngina kasi yung g*gong yun. Akala mo sinong seryoso andami pala namin. 'ina lang! pag yun talaga dumaan dito sa kanto namin, papabugbog ko... ok fine. Di niya kwento to. *inhale*

So tuloy. Feb 1. Nagchat si bf(bestfriend) ko.

BF: oy! may date ka na this 14?
ME: (shit. eto na ang spark ko. reply agad) wala eh.
BF: Wala? date kita. Gusto mo? Sagot agad. Wag ka na mag-inarte. Gusto mo naman. hahaha 😍😍
ME: (kinikilig na ako na ewan. nabuhay lahat ng pag-asang magiging kami. Reply ulit! game!  😂😂😂
BF: Pero sa 15 pa kita ide-date. haha
ME: Bakit sa 15 pa??
BF: Atat neto! Syempre ka-date ko gf ko sa 14. hahaha.

Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Haays. Kelan kaya kami magkakaspark ni bestfriend? 😭

Ps. Seen padin siya hanggang ngayon. haha. Di ko alam isasagot ko eh. Patulong nga! 😂😂

Chem
Others

Best of Read and Laugh (Facebook)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon