Bale third high school ako ng mangyari ito. Late na ako nagising, eh 7 pa ang pasok ko non. So nagmamadali akong gumayak para makasabay na rin ako kay papa. Wala ng suklay suklay, polbo, o kung ano man, pero syempre naligo ako ah. Sa motor ko nalang kako gagawin ang magsukla. Edi eto na bes, medyo nakakalayo na kami sa bahay namin. Nagsusuklay ako sa loob ng tricycle, nag biglang kumaldag. Syempre pag kumaldag ng malakas, masakit sa bo*bs kasi umaalog. Napahawak ako sa bo*bs ko para di masakit. TAPOS DUN KO LANG NALAMAN, JUSKOOOOO! NA WALA PALA AKONG SUOT NA BRA. PAG TUMULOY AKONG PUMASOK, BABAKAT SIYA. Eh malelate na ako pati si papa baka pagalitan pa ako, pero di bale na. Kailangan ko lang talagang makabalik kesa ganito akong pumasok. Kinausap ko si papa habang nagda-drive.Ako: PAPA! Naiwan ko po pala yung project namin sa (kung ano mang subject) baka po bumagsak ako kasi hanggang ngayon nalang po yun.
Jusko, laking pasasalamat ko at bumalik kami. Pagdating sa bahay, dali dali akong tumatakbo sa kwarto ko para mabilisan ng makapagbra. Nang lalabas na ako, nagdala na ako folder para kunwari project talaga. Jusko, hinding-hindi ko malilimutan yun.
Zein Shion
Others