"BUHOK SA SABON"

676 6 0
                                    


Sa tuwing na alala ko yung mga pangyayari tungkol sa buhok sa sabon ay napapatawa na lang ako. Kaya na isipan kong i-share dito dahil memorable naman iyon sa akin kasi matagal ko na iyong pinaka-iingatan kaya swerte kayo.

Gabi noon nakaramdam ako ng pag-tae so syempre nung natapos na ako tumae ay mag-iiwang na ako ng pwet ko. Pagkuha ko ng sabon para hugasan na, na pansin kong parang may isang buhok na naka-dikit sa sabon at hindi lang ito basta buhok kundi isang BOLBOL ata dahil kulot, eh wala namang kulot sa amin kundi buhok lang sa ari. Hindi ko na iyon gasinong pinansin kaya ginamit ko yung sabon ng may bulbol. Matapos kong gamitin yung sabon na may bolbol napatitig ako siguro ng mga 30 seconds dahil nakita ko na matindi pa rin yung pag-kakadikit nung bolbol sa sabon. Na realize ko yung kalagayan nung buhok dahil alam ko ang pakiramdam ng mag-isa. Kaya naisipan kong bumunot ng bolbol ko at ilagay sa sabon ng may kasama. At doon ko rin na laman na masakit nga pala mag-bunot ng bolbol. Kinaumagahan nakita ko yung panganay kong kapatid sa lababo na nag-hihilamos ng mukha at dahil mag-totoothbrush na ako nag-share kami sa lababo at napansin ko na yung sabon na ginagamit niya. Nagulat ako noon kaya medyo nawala yung antok ko. Natawa ako nung time na yun nung maalala ko ginawa ko kaya na patingin sa akin yung kapatid ko at napa-imik ng "ba't ka kinikilig?" at tiningnan ko lang ang mukha niyang walang kamuwang-muwang na yung sabon na kinukuskus niya sa mukha niya ay may bolbol ko at may bolbol ng kung sino man sa amin.

At ang nakakatawa pa dun ay yung time na nilagyan ko ng kasama yung bolbol sa sabon ay seryoso ako.

Pamelamog
Unknown

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon