"SALE"

822 11 0
                                        


Ganito kasi yun, nasa SM San Lazaro kami ng mga dati kong kasamahan. Nagkita-kita kami para magdinner. Yung isa naming kasama naghahanap ng pang-gift para sa jowa niya, malapit na daw kasi anniversary nila. Pag tapat namin sa isang department store, may 2 mannequin na nakasuot na pulang tshirt at may sulat na "SALE". Ay p*tek nakita nalang namin yung kasama namin na nilapitan ang mannequin, hinawakan pa ang damit sabay tawag samin at sa saleslady. Yun nalang daw ire-regalo niya sa jowa niya, couple shirt daw HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Sumakit tiyan namin katatawa sa kanya. Pati saleslady tumawa na rin, pero siya di pa rin niya gets bakit kami nagtatawanan. Kala namin nagjo-joke lang siya na gusto niya talaga yun. Hindi pala niya alam na "SALE" kasi ang department store na yun.

(Gets niyo ba ako? Diba sa ibang mall sa mannequin nila nakasuot ng SALE na damit para malaman ng tao na sale sila.)

Ayun, yung kasama namin sa sobrang hiya, tumawa nalang din siya nung pinaliwanag na namin sa kanya.

Ate Niyong Matalino
Sampaloc Manila

Best of Read and Laugh (Facebook)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon