Nabasa ko kasi yung isang post dito tungkol sa LRT. Yung kwento ko naman sa jeep naman siya HAHAHA.
1st yr. college na ko nun. Kasi nasa Monumento kami ni mama nun, tapos nakatayo lang kami malapit sa LRT Station sa may Dunkin' Donut ata yun. Naghihintay kami ng jeep na masasakyan. Si Mama naghihintay ng jeep, ako naman tong si tanga, tumalikod kasi nagsasalamin ako (may salamin kasi noon sa may Dunkin' Donut). Nagpapabebe pa ko nun sa salamin, isip-isip ko pa nun ang payat ko na ganern. Pasideview-sideview pa ko nun. Tas pagkaharap ko. TANG**A wala na si mama! Jusko! Huhuhu! Hinanap ko siya. Nilibot-libot ko yung mata ko. Mangiyak-ngiyak na ko nun seryoso huhu! Sa isip isip ko hindi agad makakalakad si mama papuntang LRT, eh di sana nakita ko agad sya. Tapos tingin naman ako sa kabila wala parin si mama. Grabe feeling ko talaga mamatay-matay na ko sa kaba nun. Di ko alam san ako pupunta wala pa naman akong pera o load nun.
Tapos may sumigaw galing sa isang jeep na umaandar medyo malayo layo na sa kinatatayuan ko. NAKASAKAY NA YUNG NANAY KO BES! NAKASAKAY NA SIYA! Edi ako tong si tatanga-tanga lapit dun sa jeep. Tahimik lang ako para kunyari walang nangyaring epic pero nag-histerical ngayon tong nanay ko. Ang malala pa kasi nyan, pagkasakay ko sigaw sya "TATANGA TANGA KA TALAGA! COLLEGE KA NA TATANGA TANGA KA PARIN!!" With matching napakaraming kurot pa yun. Lahat nung pasahero sa jeep nakatingin lang sakin tas syempre ako tinatawanan ko nalang kunyari sermon ni mama para less pahiya. HAHAHAHAHAHA. Yun lang. Sa mga nakakakilala sa akin at sa ka engotan ko wag nalang mag tag please lang.
K
Motomoto
