"BOOMBAYAH"

769 14 1
                                    


Gusto ko lang ishare sa inyong lahat yung experience na hanggang ngayon hiyang-hiya pa rin ako pag naaalala ko.

Isang mapagpalang araw ng linggo ng mapagdesisyunan ng kuya niyo na mag set ng alarm bago siya matulog. Sinabihan ko yung nanay ko na wag na akong gisingin sa umaga. Wala akong mapili ng gagawing alarm tone kasi halos lahat ng kanta ko pampaantok, baka di ako magising at matulog nalang pag yun yung pinili kong mga kanta. Then nakita ko yung Boombayah ng Blackpink, yun yung pinili ko kasi malakas. Set ko na ng 4:30 tapos higa.

Kinaumagahan, di ako nagising sa alarm na sinet ko kundi sa bunganga ng aking muder na nagsisisigaw anong oras na daw di pa ako gising. May pa alarm-alarm pa daw akong nalalaman di naman pala magigising. 5:30 na pala. Syempre, nagmadali na ako na dahil 6 yung simula ng klase. Pinagkasya ko yung pagligo, pagtoothbrush, at pagbibihis sa trenta minutos, doon na ako kakain sa school.

Nung nasa school na syempre, yung dating routine.

Nangyari na nga ang hindi inaasahan. 4:00 yung subject namin English. Masungit yung teacher namin dun na si Ma'am Tsuyagnskso, kaya walang pangahas na nag-iingay sa subject niya. Kalagitnaan ng klase biglang may malakas na sound na gumulat sa klase, "Tutut tututurutut tutut Blackpink in your area! Blackpink in your area!". Lahat nagtinginan sa bag ko dahil dun nanggagaling ang tunog. Dali-dali ko naman binuksan yung bag ko para patahimikin yung l*cheng CP ko. P*nyeta yung mukha ni Ma'am parang gusto akong ingudngod sa tae ng kalabaw. Wuhuhuhu. Di ko mahanap kung saan sa bag ko nilagay. "Been a bad girl I know am, and I'm so hot I need a fan I don't want a boy I need a man". P*nyeta san ba kasi yun nakalagay. "Click clack badda ding badda boom hisjsbsoakdjsusi boom!"

Ayoko na, gusto ko ng mamatay nung time na yun. Tapos p*nyeta andun lang pala nakaipit sa folder na puti. Tangina bes yung mga kaklase ko nagtatawanan, tas yung mukha ni ma'am. Waaah ayoko na! Pagkatapos nun kinausap ako ng ni Ma'am. Hindi naman pala kagaya ng iniexpect ko na hahambalos ako pader na green.

Moral Lesson 1: Siguraduhing AM at hindi PM ang nai set sa pag alarm.
Moral Lesson 2: 'Wag na mag alarm para sure.

HubbyNiJennie
Others

Best Comment:

Plot twist:
Pagkatapos nun kinausap ako ni Ma'am. Hindi naman pala kagaya nung ine-expect ko. Papapasa pala siya nung kanta :--)

Wag niyo ilike, nakadepende ito kung ilan ang kuto nung pinsan kong kalbo. Sana wala siyang kuto.

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon