Yung sa sobrang joker nila akala natin lagi silang nagbibiro tapos seryoso na pala. Share ko lang yung katangahan ng brother kong monggi. Mas matanda ako ng isang taon kaya nauutusan ko siya *evil smile*. Eto yung eksena nung inutusan ko siyang bumili ng napkin dahil may red ang lola mo sender.V.
Me: Bro! Bili moko modess! Di ako makalabas may tagos ako eh. Dali na.
Sya: Ayoko nga.
Me: Dali na! Bigyan kitang bente!
Sya: Sige na nga! Anong flavor?
Me: Muka naman tong tanga eh! Seryoso ako dito! Dali na! Magmadali kana! Bili na!
Sya: Seryoso din naman ako ah? Ano ngang flavor?
(At dahil wala ako sa mood makipagbiruan sa kanya, kahit ano nalang yung sinagot ko.)
Me: Kahit ano! Yung may wings!
Sya: Sige.*after 10mins*
Sya: Oh eto na! Amina bente? *sabay may inabot sakin*
Me: Ano to?
Sya: Noodles.
Me: Anong noodles?
Sya: Ayan ah, Lucky Me chicken.
Me: Explain mo nga pano ko to ipantatapal sa nagdurugo kong pagkababae?
Sya: Ano ba? Sabe mo may wings? May wings ba ang beef? Edi chicken binili ko! Ano bang flavor kase?
Me: Bro, Modess not noodles! Huhuhuhu! Anong gagawin ko nito?!
Sya: Ay pagkakarinig ko noodles! HAHAHAHAHAPs. Niluto nalang nya yung noodles nya.
Pps. Wala tuloy akong nagamit.Senyora IC
Cabuyao, Laguna