Hindi po ipis yung tinutukoy ko sa title. Pangalan po yan nung boyfriend ko. Ang bantot nung pangalan no? HAHA. Okay lemme start na guys. Around 1 am na po nung nagpaalam yung boyfriend ko na mauuna na syang matulog. Nagawa ko ng assignment that time kaya pumayag narin ako. So yun na nga maya maya nag tawag ang lokoNV (not virgin dejk)
Sya: Hiwain mo yung sibuyas sa apat.
Ako: Ha?
Sya: Hiwain mo nga yung sibuyas sa apat.
Ako: Ah owki. Nahiwa ko na. Ano ng sunod? *nagipigil ng tawa*
Sya: Ihulog mo na pag nakulo. Nakapag saing ka na ba? Dadating na si Mommy. Magsaing ka na. Baka magalit yon. Andito ko sa baba. Patayin mo yung switch.
Ako: Nakapagsaing na ko. *nagpipigil ng tawa*
Sya: Yung carrots at talong? Bilisan mo! Padating na si Mommy.
Ako: Naluto ko na. Asan ka ba? *tawang tawa na ko*
Sya: Nasa Manila. Bumibili ako ng sitaw, mustasa at patola.
Ako: HAHAHA osige bilisan mo ha.
Sya: Sinong lalaki mo?
Ako: Ha? Wala.
*biglang namatay na yung tawag*
At ayon di ko natapos assignment ko sa kalandian namin HAHAHA. Nikwento ko sa kanya lahat kinabukasan. Nananaginip daw sya na ang ulam nya ay sinigang. HAHAHype na yan katakawan ng loko.Ps: Break na kami kaya ang bantot talaga ng pangalan nya grabe HAHAHA.
Pps: Di po totoo yung sumpa sa twintitri kasi po 24 kami nag break. May aftershock mga Bes huhuhu.AA Robles
Laguna
