"Panggap pa"

843 8 0
                                        


Sana mapost! Share ko lang yung kalokohan namen. So ganito yon,
Bawal ako magbf kahit na 18 na'ko at third year college na. Soon to be chef. hehe lam niyo na course ko? So, eto na nga. May manliligaw ako at sobrang consistent niya. Araw araw may dalang pagkain sakin sa classroom and yes, classmates kami. Eh dahil sa tinagal tagal ko ng blockmate to. Gentleman, God fearing. Di siya ganon ka gwapo pero para sakin mapapasabi kanalang ng "he's the one" oh lande. Hahaha eh eto gusto makilala sila mama. Alam niya bahay namin. Saturday non, mga bandang 2:30pm ata yon? May kumatok sa gate namin. ABA NALERKI ANG ATE MO DES! Pano si bf nandon at nakasuot ng pambabae at putok ang blush on! Hahaha eh dahil natahol aso namin ayon napalabas si mama tas tinanong niya kung sino. Eh buti nalang nagpalusot agad to si bf ko na baklush siya at may gagawin kaming thesis tragis HAHAHA pinapasok siya ni mama kinausap ng konti, pinagpapawisan ang loko kasi yung mga tinginan ni mama e nanghihinala. So yun, ilang linggo na ginagawa 'to ni boyfie. Nakakatuwa kasi nag effort pa siyang magdamit babae at mag make up makasama lang ako. :)
Kaya hindi talaga ako naniniwala na abnormal mga babae e, kasi mas abno ang mga lalaki dahil lahat gagawin makasama lang ang mahal tangina tamis. 😂

P.S. O siya, dito nalang. Bukas ata tinapa naman dadalhin na pagkain non. Favorite ni mama. kaya welcome palagi samin e. Wish ko sana di mabuking. 😂
Thanks admins! More powers! Aja!

Des
Cavite

Best of Read and Laugh (Facebook)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon