"Interschool Sports Fest"

786 9 0
                                    


Share ko lang tong kahihiyan ko na hinihiling ko na sana mapansin ni Admin at maipost (Hi kay Admin Je!) So eto na nga. Bilang babae natural na sakin na kapag kinikilig ay bigla nalang ng hahampas ng katabi. Kagaya nalang neto. Laban nun ng cheerdance. Ang daming tao kaya sobrang init at siksikan. Pero di ako natinag dun. Nakipagsiksikan ako para makahanap ng magandang pwesto and luckily, nakahanap ako! Yung nagpeperform na yung school namin talagang sigaw ako ng sigaw sa abot ng aking makakaya. At sa kilig ko dahil gwapo nung schoolmate ko, hinampas hampas ko yung katabi ko.
NV.
S: Aray ko miss, kawawa na yung braso ko sayo oh! Hahaha
A: (Di sya pinansin dahil nagpofocus ako sa pinapanood habang hinahampas parin sya)
S: Kilig na kilig ka dyan eh di ka naman mapapansin nyan. Hahaha
A: (hinampas sya) Eh bakit ba! Kinikilig ako eh.
At dun ko lang napagtanto na hindi pala kami magkakilala. Huhu di ko alam na sa pwesto ako ng ibang school nakapwesto. Tapos hampas pa ako ng hampas kay kuya.
Kaya pala tumitingin sila sakin sa tuwing sumisigaw ako. Huhu nakakahiya!

PS. Para kay kuyang nahampas ko, SORRY! Pero bwiset ka! Di mo sinabing di tayo magkakilala napapayakap pa naman ako sayo! -_-

BabyniCameron
Antipolo

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon