"Spit or Swallow"

709 10 0
                                    


Wait lang natatawa pako eh. HAHAHAHAHAHA

Naalala ko pa nung nasa bahay kami ng isa naming tropa si Pogs. Birthday n'ya kase kaya nagka yayaan. Nung andon pa kami sa bahay nila, nakita ko don si Jen. Hahaha crush na crush ko yon since elementary, ang ganda nya padin tas ang yaman na nya (actually may mga kaya na kami sa buhay ngayon)

Non-Verbatim
Jen: Uy, ang laki mo na ah. Ang laki na din. Hahahha

Tawanan kami lahat kase medyo pilya din 'tong si jen.

Ako: Hi crush hahaha ikaw lang inaantay neto.
Tropa1: HAHAHA baka kayo magka tuluyan nyan.

Isang buong gabi kaming magkakaibigan sa isang table. Tawanan, kwentuhan, inuman tas landian ganon.
Hanggang sa umabot na kami ng madaling araw. Hutangina di ko napansin eh.

Jen: Guys uuwi nako. Sino sasabay?
Tropa1: isabay mona to si Renz(ako) parang di na kayang umuwi eh.

Lasing na lasing nako non, eh hindi naman ako masyadong umiinom mahina talaga ako sa inuman kaya sumusuka pako pag naparami.

Jen: ah sige, tara na hahaha
Tropa1: sabay nalang tayo lahat! Haha baka ano gawin neto ni Jen kay Renz eh.
Hahahaha

So ayun, sa sobrang hilo ko na, tinulungan nila ako tumayo. Talagang sabog pre, haha sobrang di ko na kaya.
Nung nasa kotse na kami ni Jen, si Jen yung nag drive tas nasa passenger seat ako. Yung tropa naming tatlo nasa likod tas nakatulog na sila lahat.

Ako: matutulog na muna ako ha. Gisingin mo lang ako pag nasa bahay na tayo babe.

Wahahhaa naalala ko sinabi ko yan. Hanggang sa nakatulog ako. Maya-maya ang naalala ko nalang eh may parang lumapit sa mukha ko. Pag dilat ko, put*ngina pare, lips ni Jen papalapit sa akin tas yung sikmura ko t*ngina parang masusuka ako! Put*ngina LALABAS NA TALAGA YUNG SUKA SA BIBIG KO! Nasa bibig ko na ibubuka ko nalang yung bibig ko eh lalabas na. Nung nakita ko na papalit yung Lips ni Jen. Di ko kinaya mga brad! NILUNOK KO NALANG YUNG SUKA KO! TAS YUMUKO AKO, tas hinalikan na nya ako. Hahahahaha tangina talaga non brad. Unforgettable!

PS. Ang asim ng suka ko puta.
Pps. 2years na kami ni Jen. Hehe

Renz
Unknown

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon