Nangyari to when I was 10, bakasyon namin non at kasali ako sa Drum and Lyre Band ng school namin. Malapit na ang laban non kaya everyday ang practice. By the way Color Guard ako dun, yung nagpapa ikot ng flag.
So eto na nga. One time habang nagpapractice kami biglang umulan, so cancelled ang practice. Dahil di pa kami makakauwi, we decided to stay at grade 5's room. Kanya-kanyang kwento with friends nang biglang nagsalita trainer namin, si Sir Jem (not his real name) na "Gusto niyo ba makakita ng multo?" (with serious face) So kaming lahat kahit takot pumayag na rin, dala na rin ng aming kuryusidad kung totoo ba at seryoso si Sir. Nilagay namin sa gilid yung mga upuan tas sinarado din yung bintana at pinatay yung ilaw. Then diretso indian seat sa lapag, naka circle position kami non. Nung nakaready na ang lahat sinabi ni Sir na pumikit kami (pinagpapawisan nako nun sa takot). Tapos sabi ni sir hawakan at i-rub daw namin yung kamay namin sa bote na ibibigay nung nasa kaliwa at ipapasa daw sa katabi sa kanan ng nakapikit. Wag daw kami didilat kasi di daw magiging effective. So eto na mga bes ako na next. Nanginginig ang kamay kong inabot yung bote pag tapos kong hawakan pinasa ko na kay bes sa kanan yung bote. Marami kami non mga 30+ kaya matagal din kami naghintay matapos yung sa bote. Nakapikit parin kami non. Tsaka mga bes ang creepy. Tumataas na balahibo ko tas ang lamig sa pakiramdam.
Eto na nga po mga bes sabi ni Sir hawakan daw namin mukha namin ng 20 seconds tapos dumilat na daw kami. So ganun nga ginawa namin. Pero pag dilat namin nagtaka kami kasi wala naman kaming makitang multo. Madilim sa room non kaya di rin kami magkakitaan. Wala rin naman kami napapansin na kakaiba. Then nagsalita ulit si sir "Di niyo nakikita kasi nakapatay yung ilaw" (nagtaka na ko nun kelan pa nagpakita ang multo ng bukas ang ilaw?) At eto na nga tumayo yung isa at binuksan yung ilaw. Tapos ganito kami lahat oh 😱😱😱 na naging ganire 😂😂😂. Hahahahahaha LT mga bes. Lahat kami ang iitim ng mukha namin except kay sir na may pakana neto HAHA. Bakit maitim? Nang dahil sa uling bes! Yung bote pala na hinawakan namin puro ULING! HAHAHAHA nagoyo kami ni Sir.
Ps. Kahit maloko sir namin, seryoso sa practice yon! Lagi nga kaming champion e! Misskonasila :'(
Pps. Mention ko bf ko pag na post to. Char!
Ykayy
Bulacan
