Nag-iinuman kami non sa bahay nila. Hanggang sa topic na kami ng mga kababalaghan.
Nanggaling siya ng Negros kaya natakot talaga kami sa kwento niya.
Itago natin siya sa pangalang Elle.
Apat lang kami non.
Elle: Kaya 'yon. Simula non, pagdumidilim na, sinisirado ko na third eye ko. Ino-open pag day time para tuwing umaga lang ako makakakita. Less takot.
Barkada 2: Huh? Pano ba iko-close yung 3rd eye?!
Ako: Oo nga, ano 'yon pwedeng ma-deactivate tapos ma-activate?
Elle: Oo, pero mahirap pa rin kasi kung gusto mong i-open dapat may pusang itim, atsaka before 3AM.
Napatingin kami sa pusa nilang itim na nasa gilid lang namin. Tiningnan namin ang wall clock nila. Eksaktong 2:45AM.
Barkada 3: Pano ba?
Elle: (kinuha ang pusa, saka parang nagdasal o orasyon.) Okay na. 'Yung basang parte sa mata ng pusa, kukunin. Tapos ipapahid, una sa kanang mata, tapos sa kaliwa and last sa noo.
So kami, dahil lasing na rin naman, matibay na ang loob kaya ginawa namin.
Elle: Hawak kamay muna tayo para ma-chant ko kayo. Para na rin tumibay ang loob niyo.
Pumikit kami. Pagdilat ng mata namin. Biglang napasinghap si Barkada 2.
Barkada 3: Anyare?!
Barkada 2: K*ng*na. Lumamig ang paligid.
Ako: Naknam. May anino don!
Barkada 3: Elle, pucha. May mga masasamang elemento na akong naramdaman.
Sobrang takot na kami non. Tapos si Elle chill lang.
Ako: Ang daya mo Elle! Hindi mo in-open third eye mo! Kami lang nakakaramdam dito!
Elle: Hindi naman kasi ako bobo para ipahid ang muta ng pusa sa mata at noo ko no! Hahahahahahahahaha! Ang dugyot niyo. Kadiri. Masamang elemento pa ah. Hahaha!
Laughtrip talaga siya eh.
Nag unahan kami maghilamos. K*ng*na, nagoyo kami.
P.S. Natubuan kami ng pigsa sa mata dahil sa muta ng pusa!
P.P.S. Wag magpaniwala sa kababalaghan lalo na 'pag jebebang!
Meow
Unknown
