"50 pesos"

867 6 1
                                    


Hi! Share ko lang yung experience ko while nasa jeep ako.

Papasok nako ng school non. So, isang sakayan lang ng jeep yung papunta ng school namin. Habang nag aantay ng ibang pasahero, badtrip nako kase antagal na namin don wala paring sumasakay na pogi! Hayp.

Maya-maya, may sumakay na na pogi. Bale, nasa likod sya ng driver tapos ako nasa tabi nya. Mga ilang minuto ang lumipas umalis na yung sinasakyan namin. Nakikinig ako ng music so naka earphones ako. Kinuha ko yung pitaka ko para magbayad, pagtingin ko sa maliit kong pitaka, aba 50 pesos lang pala pera ko hayp naiwan isang pitaka ko. Kinuha ko yon, tas inabot ko.

Nung mga isang kanto nalang ang layo ng school namin, nagtataka ako ba't di parin nagbibigay ng sukli si manong. Inisip ko tuloy ang mahal naman pala ng jeep nato haype na yan. May inabot bigla si manong na sukli, kinuha ni kuyang pogi tapos nabigla ako kase binulsa nya yung sukli ko! hutangina bes! Magnanakaw ng sukli pogi pa naman.

"Kuya akin yung sukli, amin na!"
Sabi ko sa kanya.

"Ha?! Akin 'to miss kakabayad ko lang."
Sagot nya naman, yung mukha nya di mapinta eh parang luuh sya yung itsura nya.

"Akin yon kuya akin na, wag po kayo manguha ng hindi sa inyo. Nagbabayad po ako ng maayos amin na po!"
Napalakas yung boses ko kaya nagtinginan lahat ng pasahero syempre okay lang saken kase nasa tama naman ako.
"Akin nga 'to miss. 50 pesos yung pera ko!"

Aba sya pa galit. Kaya sa inis akoo, pinakita ko sa kanya ang pitaka ko!

"Kuya ayan oh! Wala na yung kaisa isang 50 pesos ko! ...."

Pagka open ko sa pitaka ko, PUT*NGINA BUMUNGAD YUNG 50 PESOS KO. Buhay na buhay pa pala ang 50 pesos ko don, di ko pa pala naabot puta akala ko talaga naabot ko na yon eh.

"Oh! Ayan singkwenta mo! Hahahaha "
Tumawa sya habang tinuturo yung nasa pitaka ko tas lakas ng boses nya.

Tumawa din yung mga pasahero tas yung driver, kinuha ko nalang yung pera tas inabot ko kay manong tas nagbigay agad sya ng sukli. Huhuhu hayup na yan! Tanga tanga ko. Pagka baba ko tinginan sila eh. Natameme ako. Tsaka ko lang narealize yung nangyari pagka baba ko. Huhu

Hi sayo kuya, sorry talaga ha. Huhu pero pogi ka parin naman.

Ps. Pogi talaga ni Kuya pero bukas yung zipper nya.

Mimi
Unknown

Best of Read and Laugh (Facebook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon