Pauwi na'ko from work that time, Eh bago sumakay may Jollibee don. Nagugutom na'ko kaya naisipan kong kumain nalang muna tutal 8:30pm na.
Pagpasok ko andaming tao, first time ko lang kasi kumain don sa jollibee na yon kaya di ko inexpect na ganon karami.
Eto na nga, pipila na'ko. Haba ng pila mga friend. Nung malapit na'ko sa counter e tumawag yung boss ko may mga tinanong lang about sa sched niya tom tapos pagtapos ng tawag nagulat ako kasi may lalaking sumingit. Eh uminit na ulo ko kasi gutom na nga ako. -_-
NV
Me: Excuse me? Nauna ako diyan mister.
Kuya: Dadaan ka? Haha eh wala ka sa pila mismo kanina kaya pumila nako.
Me: Wow, Napaka mo mister. Kanina pako nakapila dito tas sisingit kalang? Di makatarungan yon!
Kuya: Ang ingay mo miss. Pinaglihi ka ata sa pwet ng manok. *sabay tawa*
Eh bv nako sobra!!!! Tas di namin namalayan na wala na kami sa pila habang nagtatalo. Nagulat ako kasi tumawa yung matanda tas nagsalita.
Matanda: Nagtatalo kayo pareho eh ako naman nauna talaga sa inyo. Anla sige pila ulit kayo sa likod. Mag-jowang ire talaga dine pa nagtalo sa pilahan.
Me:NO! Di ko yan kilala lola.
Kuya: Luh lola eto jowa ko? Haha wag nalang po.Ayun hanggang sa nag 9:30 na at hinahanap na'ko ni mama kasi nagluto raw siya ng hapunan. Nawalan nako ng gana kumain nakakabwiset kasi yung kumag!!! Sana di ko na makita yung lalaking yon! Sarap talaga niya hampasin ng namumulang tocino. 🙄
Spaghetti lover
Manila