First day ko ngayon sa Hillard University. Mysterious school, mysterious people, and mysterious history. Kinakabahan ako ngayon. Sino ba namang hindi, diba? Pagkaapak ko ng gate nakaramdam ako ng kilabot. Whoa. Sobrang laki ng school, parang mawawala ata ako dito. Pumasok na ako kaagad, 'yung mga estudyante dito makatingin sa akin parang alien ako or..panget ako sa paningin nila.
May nag-catch ng attention ko, may nakita ako sa bulletin board, ang dull naman ng color ng board. Lumapit ako sa board, may nakadikit na flyer, it says:
'Missing Lizza-contact: 0909-623-925'
Hmm...since when pa siya nawawala? Lumayo na ko sa bulletin board, tapos naglakad na ako sa hallway. Ugh, okay...nawawala na ako, nasan ba 'yung classroom ko? Tumakbo na ako sa mga hallway. Pero may nakapansin sa akin na nawawala ako.
"Um..hey!" sigaw niya sa akin. Matangkad siya she has brown hair and eyes. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Nawawala ka ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "You should be careful, what's your name pala?" she asked. Why careful?
"Christine.." sabi ko sa kanya.
"Christine..are you a student here?" tinanong niya ulit ako.
"Yes.." sabi ko. Tiningnan niya ang suot ko.
"You don't have your uniform. Follow me," she said. Sumama ako sa kanya. Pumasok kami sa isang dormitory. Pumunta kami sa isang kwarto. May dalawang king size bed, isang lamp, study table, at dalawang closet. Condo style siya na may pagka-antique.
"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko sa kanya.
"Hinde..may roommate ako," she said habang sinasarado 'yung closet.
"Sino naman roommate mo?" tanong ko.
"Ikaw," sabi niya nang ibigay niya sa akin 'yung uniform. Ako? Roommate niya?
"Ayun kama mo," tinuro niya ang kama na nasa kaliwa
"Sige," nahiga ako sa kama.
"Ano pala section mo? Para masamahan na kita," she said.
"Krypton," tumingin ako sa kanya. Napatigil siya. Ano'ng meron sa Krypton?
"Krypton..kaklase ka namin?" Kaklase ko siya? 'Di ako sumagot.
"Halika na, suotin mo na uniform mo. Hintayin kita sa labas," sabi niya bago sinarado ang pinto. Sinuot ko na yung uniform namin at lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko siyang tulala. Ano'ng meron dito?
"Uhmm..." 'di ko alam pangalan niya eh.
"Anna. Call me Anna," she said then smiled. Teka..mind reader ba siya?
"'Lika na," she started to walk, sumunod naman ako. Tumapat kami sa isang pinto.
"Heto na ang Krypton," she said before opening the door.

BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Mystery / ThrillerA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...