Kabanata 45: Black Magic

173 3 0
                                    

Christine's POV

Pabalik palang ako sa classroom, ng may narinig akong sigaw. Napatigil ako sa pag lakad. Lumingon ako.

"May patay!!!!" Sigaw ng babae, nanlaki mata ko. Pumunta uli ako kay Zach.

Nakatayo lang siya dun. "MAY PATAY!!!!" Sigaw uli ng babae. "M-may patay nanaman?" Sabi ni Zach.

Nakatayo lang kaming dalawa doon. "Puntahan natin" sabi ko kay Zach.

Pumunta kami kung saan yung sumisigaw na babae. Sa CR ng girls. "Ano nangyare?" Tanong ko sa babae.

Lumuluha siya. "F-first ko lang makakita ng patay sa loob ng banyo" the girl stuttered. "Nasaan?" Tinuro niya yung isang pinto sa CR.

Lumingon ako kay Zach. "Ikaw bahala jan" sabi niya sakin. I roll my eyes. Nung binuksan ko yung pinto. My eyes widened. Napasigaw ako. WTF.

"Z-Zach!!!!" Sigaw ko. Tumingin siya sakin. "Ano?" Tanong niya. !@%#&@^!
Kalma pa talaga siya ngayon ah.

Pumasok na sa loob ng CR si Zach. "Dapat hindi ako nandi---" napatigil siya sa pagsasalita nung nakita niya yung katawan. Lumingon siya sakin.

"Si Anna ba yun?" Tanong niya sakin. Anna? Huh????? Akala ko ba inano na siya nila detective?

Pumasok ako dun sa loob. Puro dugo....nakahiga siya sa sahig. Hindi ko masyadong makita yung mukha niya dahil sa buhok niya. "Sabihin natin kay detective toh" sabi ko. He nodded.

"Ikaw....pumunta ka muna sa klase mo" sabi ni Zach sa babae. "Wala kang nakita ngayon" tumango yung babae, at umalis na siya.

"Si Anna ba talaga yun?" Tanong ko kay Zach. He nodded. "Ayan yung uniform na suot niya nung nahuli siya eh" sagot ni Zach.

I breathe in and breathe out. May patay nanaman....

Without hesitation, nireport namin kaagad kay prof ang nangyare, kaya tinawagan niya na si detective para imbestigahan ang nangyare.

Kawawa naman si detective ang daming inaasikaso na kaso dito sa school.

Nung nakarating na si detective sa school, sinabi niya samin na nawawala daw si Anna. Baka siya nga yung nasa CR. shitttt....sinong gumawa sakanya nun?

Pinabalik na kami sa classroom ni detective. Kaiyak....

Nung nasa classroom na kami, kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin sakin si Grey. Baka nagtataka siya kung bakit wala ako kanina sa taas.

Hayssss...

Zach's POV

Science na, nanjan nanaman si baliw na teacher, ngayon ko lang uli siyang nakita. Nakalimutan ko na pangalan niya. Pero hindi na siya baliw na ngayon.

"Turn your books on page 234..." sabi niya sa buong klase. Inadjust niya yung salamin niya, nung nakita niya si Christine.

"You're here again" sabi niya kay Christine. Napatingin kaming lahat kay Christine. "Um yes..." Christine responded.

"Ikaw yung reason kung bakit maraming namamatay dito" sumbat niya kay Christine. Ano nanaman sinasabi niya? "P-po?" Christine stuttered.

"Anak ka ni John Alejandro S. Fernandez...tama?" Tanong niya kay Christine. "Opo anak niya ako" sagot naman ni Christine.

Nanahimik ng saglit. She crossed her arms. "His fate and your fate are the same" anong ibig sabihin nito?

"Miss I thought we're going to have a lesson?" Singit ni Grey. Napatingin naman si baliw kay Grey. "And ikaw Grey...." kumunot yung noo ni Grey.

"Don't you dare follow your...father" sabi niya. He raised and eyebrow. "My father?" Tanong ni Grey.

"Uhm...Ms. Lauren, can you please stop this nonsense? Wala pong ama si Grey, and we all know that" singit naman ni Olivia.

Ayy oo nga pala, Ms. Lauren pangalan nito. I'll call her Ms. Baliw nalang. Napatingin si Ms. Baliw kay Olivia.

She looked at Olivia suspiciously.

"Stop this nonsense? Or should I say, stop talking nonsense, alam naman ng lahat na ka---" napatigil siya sa pagsasalita. Hinawakan niya yung leeg niya. Parang may sumasakal sakanya.

"Ughhh, ah" Ungol ni Ms. Lauren. Napatayo yung ibang kaklase namin.

"Anong nangyayare?" Tanong ng isa.

Natumba si Ms. Lauren sa sahig. Nakahawak parin siya sa leeg niye, nangingisay. Ano nangyayare dito?

"Tumawag na kayo ng tulong bilis!" Sigaw ni Kay. Lumabas yung iba kong kaklase. Pero natumba din sila sa sahig, at nangyari din sakanila kung anong nangyare kay Ms. Lauren.

Kaming dalawa ni Christine nakaupo lang dun. Sila Grey din, ba't ang kalma lang nila. Si Jernegal, nasa tabi ni Grey, at nakatingin lang sila sa katawan ni Ms. Lauren.

Hindi na makahinga si Ms. Lauren, kaya namatay na siya. Si Christine napatayo.

"Ano nangyayare!?" Sigaw ni Christine.

Lumingon yung grupo ni Grey kay Christine. Natigil yung pag choke sa mga kaklase namin. Wala namang sumasakal sakanila. Humihingal yung iba.

Yung iba naman naming kaklase nanonood lang. "Ano yun!? Sino gumawa nun?" Tanong ni Patrick.

May patay nanaman. Yung mukha ni Ms. Lauren sobrang purple na. Patay na nga. I hold my chin. Shit. Blood Moon na ang may kakagawan nito. Black magic yun.

Sinabi sakin toh ni Alex nung nagaaral pa siya dito. Alam ko napatay din siya dun sa black magic na yan. Demonyo ang gumawa niyan sakanila.

Sila Allyzha, Yohann, Kyle. Sila din siguro napatay ng Blood Moon. Oh kaya....yung mga pumapatay ay nasa same team ng Blood Moon. Tangina ayoko nang magisip.

Tinignan ko lang yung mga kaklase kung hingal na hingal. Tumawag naman ng tulong si Christine. Buti hindi nangyare sakanya yung pagsakal.

Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon