Christine's POV
"Ugghh!" sigaw ko. Hinampas ko nang mlakas 'yung alarm clock. Peste!! Ba't di pa niya sinama 'yang alarm clock niya?! Panira ng tulog! Bwiset! Bumangon na ako sa kama. Naligo na ako at nagbihis na. Lumabas na ako ng dorm. Habang naglalakad, may sumabay sa akin. Pagtingin ko si Zach.
"Sabay na tayo?" tanong niya. 'Di ko siya sinagot. Sira nga kasi 'yung tulog ko.
"Waw ah?!" sigaw niya. Hinila ko siya.
"Oy! Oy! Oy! Sa'n naman tayo pupunta?!" sigaw niya.
"Sa-" biglang may nagsalita sa speaker.
"Good morning students. This is the detective speaking. Please go to the lobby right now. That's all. Thank you," HANU DAW?! 'Di ba niya alam na ang aga naman masiyado niyan?! 'Di pa nga gising ang diwa ko eh! Biglang sumulpot si Grey sa tabi ni Zach. Tiningnan niya 'yung magkahawak naming kamay ni Zach at naglakad na palayo. Agad-agad kong binitawan 'yung kamay niya.
"Sabay na tayo pumunta sa lobby," sabi niya. Tumango ako at sumunod na sa kaniya. Pagkadating naming sa lobby, medyo madami na ang tao. Umupo na ako. Tumabi sa akin si Zach. Tumingin ako sa harap. Nagulat ako dahil nakita ko si Greyson na nakatingin sa akin. EMEGESH. Namumulang umiwas ako ng tingin.
"Oy, ba't ka namumula?" tanong ni Zach.
"Wala," sabi ko. Dumating na din 'yung iba. Nanahimik ang lahat nang pumasok si detective. Pumunta siya sa center.
"Okay, everyone listen. Today we'll be conducting a fingerprint background check," sabi niya. What the eff? Nagbulungan 'yung iba estudyante.
"Bakit magco-conduct ng ganun?" bulong sa akin ni Zach.
"Ewan ko! Ba't ako tinatanong mo?!" sabi ko.
"We will conduct this to know who spoke through the speaker in the announcement room," sabi niya. Nanahimik ang lahat. Alin? 'Yung..'all students are going to be extinct'? Shet. Anubayan. Nakakakaba naman 'yan.
"I will call you one by one. Let's start. Ms. Olivia?" Tumayo si Olivia.
"Follow me," sabi ni detective bago pumasok sa isang room. Sumunod naman sa kaniya si Olivia.
Greyson's POV
"I will call you one by one. Let's start. Ms. Olivia?" Olivia stood up.
"Follow me," detective said before entering inside a room. Olivia followed him. Nagbulungan 'yung iba. Fingerprint Background Check? Tss. Isa-isang tinawag ang iba.
"Ms. Fernandez?" napatingin ako duon sa tumawag. Napatingin ako kay Christine. Nakatingin siya sa akin.
"Ms. Fernandez?" tanong ulit. Napatingin siya duon sa nagsalita. May sinabi si Zach sa tabi niya. Hinampas niya naman ng malakas sa braso si Zach.Natatawang hinimas naman ni Zach 'yung braso niya. Tumingin muna sa akin si Christine bago pumasok sa room.
I don't know but..my blood boiled at the sight of them. Bigla akong nainis kay Zach. Why did I suddenly felt a pang of...Jealousy? Kanina din nung nakita kong magkahawak 'yung kamay nila, bigla akong nawala sa mood. Ano ba'ng nangyayari sa akin?
Christine's POV
"Ms. Fernandez?" nakatingin pa din ako kay Grey. Haay! Ang gwapo talaga. Tumingin siya sa akin. Kyaaa~!
"Ms. Fernandez?" napatingin ako dun sa tumawag. Ayy, ako na pala.
"Tsk! Lutang na naman kasi!" sabi ni Zach. Sinamaan ko ng tingin si Zach bago ko siya pinalo sa braso. Natatawang hinimas niya iyon. Tumingin muna ako kay Greyson bago pumasok sa room. Pagkapasok ko sa room, nakita ko si Detective. Brrrrr~! Ang lamig naman dito.
"Please have a seat Ms. Fernandez," sabi ni Detective. Umupo naman ako. Tumayo sa harap ko si detective. Ang tangkad naman niya.
"Wash your hands then dry it afterwards," sabi niya. Tinuro niya 'yung sink. Naghugas ako ng kamay at pinunas ito sa isang malinis na towel. Bumalik na ako sa upuan. Kinuha ni Detective 'yung thumb ko. Ni-roll niya ito sa isang ink pad. Pagkatapos ay ni-roll niya ito sa isang fingerprint card. Ginawa niya din ito sa natitira ko pang daliri.
"Wash your hands then you may leave," sabi niya habang nakatingin dun sa fingerprints. Naghugas na ako. Palabas na ako nang tawagin niya ako.
"Ms. Fernandez.." nakatingin pa din siya sa fingerprints. Lumingon ako.
"Yes?" tanong ko. Tumingin siya sa akin.
"Nevermind..You may leave," sabi niya. Lumabas na ako. Bakit niya ako tinawag? May problema ba sa fingerprints ko?
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Misterio / SuspensoA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...
![Unknown Society [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/97846939-64-k124482.jpg)