3rd Person POV
10 years ago...
"Anna, stay here, okay?" tanong ni Lauren sa isang bata na may hawak na Barbie doll. Mahaba ang buhok ng bata at maputi at makinis ang balat ng bata.
"Okay po," sabi ni Anna. Nginitian ni Lauren 'yung bata. Umupo si Anna sa isa sa mga upuan. Naglakad na palayo si Lauren. Maya-maya nainip si Anna kahihintay kay Lauren. Kaya naglakad siya sa hallway. Napatigil siya nang may narinig siyang nag-uusap sa loob ng isang room. Nakasarado amg pinto. Dinikit ni Anna 'yung tenga niya sa pintuan.
"Ayoko na sumali sa grupo," rinig ni Anna sa loob ng room.
"Si Ms. Lauren 'yun, ah?" bulong ni Anna. Nang makumpirma niya na si Lauren iyon dinikit niya lalo 'yung tenga sa pintuan.
"'Di ka pwede umalis," sabi ng isang boses. Nagtaka si Anna kung sino 'yung nagsalita, kaya medyo binuksan niya 'yung pinto. Sumilip siya sa pinto. Lumaki ang mata ni Anna sa gulat nang malaman niya kung sino 'yung kausap ni Lauren.
"Pero ayok-"
"Bakit? Bakit ayaw mo na sumali?"
"Nakokonsensiya na ako sa mga ginagawa natin,"
"Wag ka umalis,"
"Ayoko na. Aali-"
"Sabing 'di ka pwedeng umalis!"
"Pero ayoko na! Ayoko na pumatay ng tao!" nabitawan ni Anna ang hawak niyang Barbie doll. Pumapatay ang kanyang teacher? 'Di siya makapaniwala. Napatingin ang dalawa kay Anna. Tumakbo si Anna dahil sa takot niyang mahuli siya. Hinabol ni Lauren 'yung bata. Nang maabutan niya na ito, hinawakan niya ito sa braso at hinarap sa kaniya ito.
"Anna..." nagulat siya nang makita niyang umiiyak 'yung bata. Pinunasan niya ang mga luha ng bata.
"Anna..may narinig ka ba?" tumango si Anna.
"Ann-"
"Bitawan mo ako! 'Di ikaw si Ms. Lauren!" sigaw ng bata habang tinutulak palayo si Lauren.
"Anna, ako 'to. Ako si Ms. Lauren," sabi ni Lauren.
"Hindi ikaw si Ms. Lauren! Hindi pumapatay ng tao si Ms. Lauren!" nagulat si Lauren sa sinabi ng bata. Kaya nabitawan niya ang braso ng bata. Pagkabitaw ni Lauren sa braso ng bata, tumakbo 'yung bata palayo. Umiiyak.
Christine's POV
Present time...
"So..ayun nga.." sabi ni Anna pagkatapos niyang magkwento tungkol kay Ms. Lauren. What the hell. Pumatay ng tao si Ms. Lauren?!-
"Uy! Christine!" napatingin ako kay Anna.
"Ba't nabaliw si Ms. Lauren?" tanong ko.
"Na-trauma ata.." nanahimik siya. Kaya pala ganun si Ms. Lauren.
"Haay nako! Matulog na nga tayo! Basta Christine, ah?" sabi ni Anna habang nagkukumot.
"Hmm?" tanong ko habang nagkukumot.
"Wag mo sabihin kahit kanino 'yung sinabi ko sa'yo," sabi niya.
"Sige," I said. Then she turned off the lights.
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Misteri / ThrillerA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...