Kabanata 23: Chit Chat

238 5 0
                                    

Christine's POV

Tapos na din 'yung Math. Break time na namin. Naglalakad ako ngayon sa hallway. I put my hands in my pockets.

"Haay! Sana palagi 'yung Math. Masaya," sabi ko. Nakakatawa 'yung mga new students. May sumabay sa akin sa paglalakad. Si Zach, Inakbayan niya ako. Tinanggal ko 'yung kamay niya sa balikat ko.

"Hoy, tsansing ka ah!" sabi ko. Namula siya.

"Hoy! Grabe ka naman. F-Friendly gesture lang," sabi niya. Inirapan ko siya bago ako naglakad ako papuntang cafeteria. Nagwawala na 'yung monsters ko sa tiyan. Binuksan ko na 'yung pinto. Kumuha na din ako ng pagkain, Carbonara at iced tea. Naghanap ako ng bakanteng lamesa. Meron pero pang-maramihan siya. Hmm, hayaan na nga. Umupo na ako dun at nagsimula nang kumain. Busy ako sa pagkain nang may umupo sa harapan ko. Napatigil ako.

"Oh? Ba't ka nandito?" tanong ko kay Zach.

"Wala nang upuan eh," sabi niya. Umirap ako at nagsimula na ulit kumain. Napatigil kaming dalawa sa pagkain nang may umupo sa tabi niya. Si Patrick ba 'to? Napatingin siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Kumain na ako ulit.

"Patrick, 'di ka naman makapaghintay. Patay gutom ka talaga," napatingin kami sa nagsalita. Si Hadwin. Bumalik na ulit ako sa pagkain.

"Grabe ka naman!-"

"Hi," napatingin ako kay Charlize.

"Pwede dito?" tanong naman ni Ginny.

"Sure," sabi ni Zach. May sumiksik na dalawa pang estudyante. Sina Jairo at Kay.

"Pwede?" ngumiti ako sa kanila. Napapaligiran ako ng mga bagong estudyante. Akisidente kong nasipa si Zach sa ilalim ng table.

"Aray! Christine naman!" sigaw ni Zach.

"Ano?" tanong ko.

"Sinipa mo ako!" daing niya.

"Grabe ka! Aksidente lang!" sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Inirapan ko siya. Linibot ko 'yung tingin ko sa cafeteria. Napako 'yung tingin ko sa table nila Greyson. Kasama niya sina Anna, Olivia, Cassandra, at Jernegal. Parang may pinaguusapan. Ganun pa sila ka-close. Iniwas ko ang tingin ko nang tumingin sa direksyon ko si Grey.

"Ang saya kaninang Math," sabi ni Kay.

"Oo nga,"sabi ni Ginny.

"Dahil sa akin 'yun," sabay na sabi nina Patrick at Hadwin.

"Ginagaya mo na naman ako!"

"Ano'ng ako? Ikaw kaya dyan!"

"Ang ingay niyo!" sigaw ko. Napatigil sila.

"Galit na si boss Christine," sabi ni Zach. Umirap ako.

"Ang hangin niyo namang dalawa," sabi ni Charlize.

"Siya kaya 'yun!" hinampas ko 'yung braso ko sa lamesa. Bwisit. Ang ingay.

"Ang iingay niyo!" sigaw ko.

"S-Sorry," minasahe ko 'yung sentido ko.

"Ugh, wag kasi kayo maingay. 'Di naman kayo nakalunok ng megaphone," sabi ko at ininom ko ang iced tea ko. Tumahimik sila. Ugh. Ayoko ng ganito.

"Magsalita na kayo. Masyadong tahimik," ngumiti ako.

"Psst, Christine," tawag sa akin ni Jairo. Tumingin ako sa kaniya. "Kilala mo kung sino si Greyson?" 'Di niya kilala si Greyson? Speaking of Greyson, ang dayaaaaa! Ba't sila itotour niya?! Tapos ako hinde?!

"Ayun oh," turo ko kay Greyson sa kabilang table. Tumango siya.

"'Di ba kayo tinour bago kayo pumasok sa school na 'to?" tanong ko. Lahat sila umiling. Eh? Stupid ko din eh. Magtotour ba sila kung hindi? Ang daya pa din! Hindi ako tinour ni Greyson!

"Oh, Christine. Ba't ka nakanguso?" tanong ni Zach. Huh? Umayos na ako.

"Wala. Tapos na ba kayo kumain?" tumango silang lahat.

"Halika na," sabi ko. Tumayo na ako at kinuha na 'yung pinagkainan ko. Sumunod naman sila. Nilagay ko na ang pinagkainan ko sa lalagyan. Basta. 'Di ko alam tawag dun eh. Lumabas na kami sa cafeteria at naglakad papunta sa susunod na klase.

Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon