Zach's POV
Ughh, lasing na lasing ako.... nagpuyat ako kagabi, hindi nakatulog kakaisip.
Bumangon ako, biglang sumakit yung ulo ko. "Ugh!" Hinawakan ko yung ulo ko. Ang daming bote ng alak ang nakakalat sa sahig. "Damn" pumunta ako kaagad sa CR.
Nung tinignan ko sarili ko sa CR. Sobrang pula ng mata ko, at ng mukha ko. This what alcohol do to you. At night you feel happy, day dreaming without even knowing, say things that you shouldn't stay.
And by morning...
You see your self fucked up by alcohol.
Naghilamos lang ako, at dumeretso ako sa higaan. Hindi na ako papasok, nakakatamad, pati yung condition ko hindi pwede pumasok sa school.
Bigla kong hinila yung drawer, tapos nag halungkat ako ng mga picture.
Nakita ko yung picture naming dalawa ni kuya, pati kami buong pamilya. Tapos nakita ko yung picture niya. I smirked.
Wala kang pinagbago. Alex. Same as always. You're more of... a womanizer, fuck boy ng taon. Pero mali ako.
Mapili ka sa mga babae, tapos palaging mong sinasabi na "you have to wait for the right one" pero nagkamali ka sa sinabi mo.
You didn't even pick the right one.
*Flash back*
"Kuya! Wag ka munang umalis!" Sigaw ko kay Alex. Tinignan niya ako. "Gab, ang kulit mo" tapos tumawa siya. Hinila ko siya. "Wag mo kong tatawaging Gab! Pangalan ko Zach! ZACH!" Sigaw ko kay Alex.
"Oo na! Zach." He smirked. "Alex malapit na klase" Sabi ng lalake sa likod niya. Kasing age ko lang ata siya. "Sandali lang" sabi niya sa kasama niya.
"Oh Zach, alis na ako, tinatawag na ako ng mga tropa ko eh" sabi niya sakin. "Oi kuya!" Kumaway na siya, at umalis na sila.
Nakakainis... ayun na nga lang time ko para makita si kuya. Nasayang pa oras ko.
Umalis nalang ako, at lumakad lakad ako sa garden ng school. Ba't pa kasi siya nagaral dito?
Pshh, parang nakakaboring nga eh. May nakasalubong akong babae. Tapos sinanggi niya ako. Tomboy ata toh.
"Nawawala ka ba?" Tanong ng babae sakin.
Habang ngumunguya ng bubble gum. I shook my head. "Hindi" sabi ko.
"Hmm, eh ba't ka nandito?" Tanong niya sakin. "Um kasi binisita ko kuya ko" Sabi ko sakanya. "Kuya mo?"
"Oo" sagot ko. Parang kasing age ko din yung babae. "Junior college ka?"
I nodded. "Same" sagot niya. "Kuya mo?" Tanong ng babae. "Senior"
"Ahhh, oh nakalimutan ko, dahil nakabanga kita, ako nga pala si Olivia" she offer her hand, tapos nakipag shake hands ako sakanya. "Zach"
"Well Zach, you're my new friend. Kaso hindi ka nag aaral dito eh, kikilananin ko kuya mo" tapos ngumiti siya sakin.
"Uhm okay" tapos kumaway na siya sakin. "Bye Zach" tapos umalis na siya.
"Bye" iniwan lang ako dun nakatayo.
Kala ko tomboy. Pati ang angas niya ah. I kinda like her.
Back to present
Naalala ko pa lahat Alex, lahat yun naalala ko pa. Dito ka din napatay sa university na toh. Alam ko may dahilan kung bakit maraming namamatay dito.
Kailangan kong malaman.
Christine's POV
Nandito na kaming dalawa ni Grey sa classroom. Wala pang teacher, at wala pang masyadong estudyante sa classroom.
"Ang tagal naman" angal ko. Tinignan ni Grey yung orasan. "Maaga kasi tayo pumasok"
Yeah my point siya dun, yung alarm clock na yun....
Tumingin sakin si Grey. "Christine..." tawag niya. Napatingin naman din ako sakanya. I raised an eyebrow. "Bakit?"
"Wala lang" tapos tumingin siya sa malayo. Ano yun?
Bigla biglang may pumasok sa classroom. Mga kaibigan ni Grey.
"Grey!" Bati ni Olivia. "Ba't ang aga mo ngayon?" Tanong ni Cassandra. "Ah kasi napaaga gising ko, pati hindi ako nakatulog ng maigi kagabi" sabi ni Grey kay Cassandra.
"Ramdam ko yun" sabi naman ni Jernegal, siniko siya ni Olivia. He glared.
"Christine? Maaga ka na ngayon?" Tumingin lahat ng kaibigan niya sakin.
"Uhm napaaga din ako" sabi ko naman.
Everyone nodded. "Ba't ang daming nagigising ngayon ng maaga?" Tanong ni Jernegal, habang nakatingin kay Grey.
Sunod sunod ang pumasok sa classroom. Inaantay nalang namin si Proff. Umupo na silang lahat sa mga upuan nila. Wala yung katabi kong si Zach.
Naglasing kasi. Ang daming nalalaman, ang daming kadramahan.
Pero na realize ko. Paunti na ng paunti yung mga kaklase ko.
Wala na si Kyle. Wala na si Allyzha. Wala na si Yohann. Sino pa ba ang mawawala? Pati ba't ang bilis naman nilang mag move on sa nangyari?
Ang gulo....
Pumasok na si Proff sa classroom.
And he greeted us. Pero naka busangot siya. Bad mood siguro si proff. "Good morning everyone" bati niya samin. Bumati naman kami pabalik, at naupo na kami.
"Well.... I think you already knew what happened" sabi ni proff sa buong klase. Everyone nodded.
"Mag ingat na tayo, it's now dangerous. And I can't explain kung bakit ang daming namamatay sa school na ito"
"I know what you're thinking, that this university is haunted or something" proff continued. "Please don't think that way, and..."
"I think you're thinking that Blood Moon did this, the group do not EXIST"
"Kung sila gumagawa ng killings, edi sana nakulong na sila years ago!" Wait.... years ago? So..... the rumors spread years ago? And did it even exist? Years ago? Huhhhh!?
He coughed. "Sorry" sabi niya. A moment of silence.
"May absent ba?" Tanong ni Proff.
"Si Zach sir" sabi ni Jernegal. "I see..." sabi ni proff.
"Ano nangyare sakanya? Grey?" Tanong niya kay Grey.
"Well uhm" proff crossed his arms. "Ka roommate mo siya diba?" Grey nodded. "Yes po sir"
"Bakit wala siya ngayon?" Wag mong sabihin Grey. Please wag...
Tumingin sakin si Grey. Then he turn to proffesor. "He got sick" sagot ni Grey.
"Okay..." tumango tango si proff. "Umupo ka na" umupo na siya sa upuan niya.
Hayyy, kala ko sasabihin niya eh, Zach! Magpakita ka na bukas! Nag aalala na ako sayo.
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Mystery / ThrillerA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...
![Unknown Society [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/97846939-64-k124482.jpg)