What the hell happened?
Nung minulat ko mga mata ko, nakahiga ako sa damo. Nagtaka ako kung bakit ako nandito sa lugar na ito.
Napaupo ako sa damo. Niyakap ko yung binti ko. Tinignan ko yung paligid. Sobrang ganda naman dito. Puro puno pati halaman. I chuckled.
Sobrang liwanag, at naririnig ko mga huni ng mga ibon. Sobrang peaceful naman dito.
Bigla may nakita akong tao, papunta sakin. Hindi ko makita mukha niya, nakikita ko lang yung ngiti niya.
Paglapit niya sakin, nakita ko na yung mukha niya. "Kyle?" Sabi ko.
Ngumiti lang siya sakin. Bigla akong napatayo, at niyakap ko siya ng mahigpit. "Kyle!" Sigaw ko. Tumutulo na yung luha ko.
Binitawan ko na siya. "Ba't ka nandito?" Tanong ko. Hinawakan niya yung mukha ko.
"Nagkita tayo muli, pero hindi ako natutuwa makita ka ulit" sabi niya sakin. Nawala yung ngiti niya.
"Bakit?" Tanong ko. She stepped backward. "Sana lumaban ka pa, para sakin"
Anong sinasabi niya. "Ano? Anong sinasabi mo?"
Umupo siya sa damo. "Ba't mo sila sinunod?" Sabi niya sakin.
Christine's POV
Kumain na kaming dalawa ni Zach sa cafeteria. Wala pa yung mga bago, tinotour parin ata ni Grey. Haysss it's so UNFAIR! Dinukdok ko yung mukha sa lamesa.
"Christine?" Sabi ni Zach.
Hinawakan niya yung ulo ko.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Inuntog ko naman ulo ko sa lamesa."Ano nangyayare sayo?"
Humarap ako sakanya. Nag pout ako.
"Eh kasi naman! Ba't hindi ako tinour ni Grey!?" Sigaw ko.Tinignan niya lang ako. "Ayan ka nanaman eh", kinaltukan niya ako.
"ARAY!" Sigaw ko. I glared at him.
"Eh? Bakit ba?" Sabi ko. "Hindi kasi porket crush ko si Grey..." bulong kong sabi.
"Ano? Ano sabi mo?" He smirked. Ka bwiset.
"Wala!" Tumayo na ako, at iniwanan ko lang siyang mag isa sa lamesa.
Pumunta lang ako nang saglit sa music room. Para matahimik naman paligid ko. Umupo ako sa upuan malapit sa piano.
Try ko nga mag piano. Tinry kong magpatunog ng piano.
Pero hindi naman ako marunong. "Cause all of me... loves--- mali,mali. All of you... love your curves and all your edges, all your perfect imperfections, give your all to me, I'll give my all to you--" biglang may pumasok sa music room. Napatigil ako sa pagtugtog.
Tumingin ako sakanya. "Oh Christine, tumatambay ka rin pala dito" sabi ni Grey. Nag blush ako. As always...
Umupo siya, tapos sumandal siya sa pader. Tinignan ko lang siya.
"Narinig ko yung pagtugtog mo ng piano, at narinig ko rin yung boses mo, kaya... napapunta ako dito" narinig niya?! Omggg nakakahiya, baka panget pa boses ko ah.
Nag smile lang siya sakin. Grabe tibok ng puso ko. "Hindi nga maganda eh..."
Sabi ko."Maganda kaya" sabi niya naman. Jusko, ba't mo ko tinotorture ng ganito Grey? BAKIT!?
Napatayo nalang ako sa upuan ko.
"Umm kailangan ko ng pumunta sa next class... baka kasi malate ako? Kaya bye" okay? Sobrang awkward naman yun. Nag panic ako eh!? Anong magagawa ko!?"Ay sabay----" lumabas na kaagad ako ng music room. "Nalang tayo". Tuloy niya.
Binilisan ko ang pag lakad ko. WAHHHH! Naiinis ako sa sarili ko! Dapat nagtagal yun, dapat ng tagal yun!
"Dapat nagtagal yun, nakakainis!" Bigla kong nakasalubong si Zach.
"Oh Christine?" Napatingin naman ako sakanya.
"San ka nagpunta? At bakit mo ko iniwan dun?" Sabi niya sakin.
Tinignan ko lang siya. "May pinuntahan ako" sabay naglakad na ako.
"Baliw na ata yung babaeng yun ah"
Nung naglalakad ako sa hallway. May nakasalubong uli ako.
Yung detective toh ha? Yung palaging kasama ni Yohann? Ba't siya nandito?
Nilapitan niya ako. "Ikaw ba si Ms. Fernandez? Classmate ni Yohann?" He asked. I nodded. "Opo, bakit po?" Tanong ko.
"Kailangan ko kasing kausapin si Grey, pwede mo bang tawagin si Grey?" Sabi niya sakin.
Tumango lang ako. "Opo, puntahan ko lang po siya" he nodded.
Bakit nila kailangan si Grey? Pinuntahan ko ulit yung music room.
Nakita ko si Grey dun, naka tunganga."Grey" napatingin siya sakin. "Oh? Kala ko ba may klase ka?" He asked.
"May naghahanap kasi sayo"
"Sino?"
"Ako" sabi ng detective na nasa likod ko.
Napatayo si Grey sa inuupuan niya.
"Detective?" Sabi niya.
"Ba't ka nandito may problema ba?" He continued. Lumabas na si Grey sa music room. "Let's talk in private, sa office ni Proffesor?" Grey nodded.
Umalis na silang dalawa. At ako naman ang naiwan lang dun nakatayo.
Anong nangyayare?
![](https://img.wattpad.com/cover/97846939-288-k124482.jpg)
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Misterio / SuspensoA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...