Kabanata 11: Dream

291 4 0
                                    


Yohann's POV

"Yohann," may tumawag sa akin. Lumingon ako kung saan may tumawag sa akin. Nagulat ako sa aking nakita.

"Kyle?" she nodded. "Kyle!" I ran to her. She stopped me using her hands. Bakit? Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Ayaw mo ba ako mayakap?" tanong ko. She smiled sadly at me.

"Gusto. Gustong gusto. Pero.." napatigil siya.

"Pero ano? Kasi ako, gustong gusto na kita mayakap," napatingin siya sa akin. May luhang tumulo sa isa sa mga mata niya. Pinunasan niya agad iyon. Gustong gusto ko na siya mahawakan.

"Bawal," umiwas siya ng tingin.

"Ano'ng bawal?"

"Bawal mo ako mahawakan," Ano?

"Huh? Ano'ng sinasabi mo?" she smiled at me. She shook her head.

"Nevermind. I need to tell you something,"

"Ano iyon?" napaiwas ulit siya ng tingin. Tumingin siya sa akin.

"Hanapin mo kung sino ang pumatay sa akin,"

"A-Ano'ng sabi mo?"

"Hanapin mo kung sino pumatay sa akin," H-Hahanapin ko? 'Yung pumatay sa kaniya?

"Paano ko naman mahahanap ang pumatay sa iyo?" she smiled bitterly.

"...," wala siyang sinagot sa akin.

"Kyle," napatingin siya sa akin. Natulala siguro siya.

"Hanapin mo na lang sila, okay? Para maging ligtas ka...I love you," unti-unting nagiging blurry 'yung paligid pati siya, mukhang nagfa-fade away.

"Kyle. Ano'ng nangyayari?" she smiled at me.

"Wag ka magtiwala basta-basta, okay?" sabi niya bago siya mawala sa paningin ko.

"I love you," sabi ko. Mas lalo nagging blurry 'yung paligid.

"Huh?! Ano'ng sinasabi mo?!"

"I love you,"

"Yohann! Ano ba 'yang sinasabi mo?!" unti-unti kong minulat ang mata ko.

"Yohann! Ano 'yung sinasabi mo?" napatingin ako kay Jernegal. Ang aking roommate.

"Sorry..may napaginipan lang ako," nagtataka niya akong tiningnan.

"Ano naman iyon?" napatingin ako sa kanya.

"Si Kyle,"

"Ano'ng sabi niya?"

"Hanapin ko daw kung sino ang pumatay sa kaniya. At sinabi niya din na wag ako magtiwala basta-basta," napatigil siya. Ano'ng meron?

"Sinabi niya 'yun?"

"Oo. Bakit?" he shook his head.

"Wala. Mag-ayos ka na. May pasok pa tayo," sabi niya bago tumayo. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"At tama si Kyle. Mag-ingat ka. Bumalik na sila," sabi niya bago sinarado ang pintuan at lumabas ng kwarto. Napaupo ako. Ano'ng sinasabi niya?


Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon