Christine's POV
Sangkot ang isang estudyante sa banggaan ng isang truck at ng kotse. Sinasabing 'Yohann' ang pangalan ng estudyante. Nasa kritikal na kondisyon ang katawan ng estudyante kaya dinala ito sa pinakamalapit na ospital.
Napatigil ako. Tumingin ako sa T.V. ANO DAW? Aksidente? Yohann? Naaksidente si Yohann? Maraming Yohann sa mundo pero..Paano kung si Yohann nga talaga 'yun?
Knock knock knock....
Tumayo ako para buksan ang pinto. Nakita ko si Grey na nakatayo. ENE BE. Ba't may fafa dito?
"Uhmm...a-ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. WEG NGE.
"Can I come in?" tanong niya. Namula ako.
"A-Ahh, sige..." pumasok na siya. Unti-unti akong ngumiti. Anubayan. Para naman akong shunga, Umupo ako sa tabi niya. His eyes were focused on the T.V.
"I see..you already saw the news," napatingin din ako sa T.V.
"Si Yohann ba talaga 'yun?" tanong ko. He nodded.
"Fix yourself. We're going to visit him," sabi bago tumayo at lumabas ng dorm. Pinatay ko ang T.V. at nag-ayos ng sarili. Lumabas na ako ng dorm.
"Lock it. Nandun na si Anna," ni-lock ko nga ito. Naglakad na kami. Nag-stop kami sa dorm nila. Bumukas ito at lumabas si Zach.
"Zach?" tanong ko.
"Where are you going?" tanong ni Grey.
"Bibisitahin ko si Yohann," sabi niya. Siya din pala?
"Come with us. We'll also visit him," nauna nang maglakad si Grey.
"'Lika na," sabi ko bago naglakad. Sumabay siya sa paglalakad.
At the hospital
Nakita namin agad sina Olivia, Jernegal, Cassandra, at Anna.
"Nasaan siya?" tanong ni Zach.
"Nasa ER," sagot ni Olivia. Umupo kaming dalawa ni Grey. Naglakad sa harap naming si Zach. 'Tila di siya mapakali.
"Zach, calm down," sabi ko. Napatingin siya sa akin. He looks frustrated.
"Paano ako kakalma kung nasa kritikal na kondisyon si Yohann?! Christine, hindi na tama 'to! Madami nang namamatay!" sigaw niya. Tumayo naman si Grey.
"Wag mo naman siya sigawan," sabi ni Grey. Napatingin si Zach kay Grey.
"Wag ka makealam! Wala kang alam! Kaibigan ko si Yohann!" sigaw ni Zach.
"Zach!" sigaw ko. Napatingin siya sa akin. Bumuntong-hininga siya. Ginulo niya ang buhok niya. Haay!!
Yohann's POV
Yinakap ako ni Kyle ng mahigpit.
"Tama na 'yung ginawa mo. Thank you, Yohann. Thank you," sabi niya. Gumanti ako ng yakap.
"Ba't ka nagth-thank you?" tanong ko. 'Di siya sumagot.
"Yohann..may itatanong ako," sabi niya bago humarap sa akin.
"Ano 'yun?" hinawakan niya 'yung kamay ko. Ngumiti siya sa akin.
"Gusto mo na bang sumama sa akin?" napatigil ako. Unti-unti akong ngumiti. "Saan tayo pupunta, exactly?" Tanong ko sakanya.
"Alam kong pagod ka na, tama na..." sabi niya sakin.
Hinawakan niya yung mukha ko.
"Let's go home..." she continued.
Let's go home...
Ano pa bang laban ko sakanila? Isa lang akong maliit na insekto na kaya nilang apakan. Alam kong iisipin nila na.
Duwag ako.
Iispin nilang hindi ako matibay.
Hindi ako palaban.
Hindi ako makakalaban sakanila.
Sa isip lang nila yun, alam ko may lalaban, at may lalaban sakanila. I feel it on my spine. There will be someone.
Who will find justice for all of us.
Christine's POV
Lumabas na 'yung doctor galing sa ER.
"Relatives of Mr. Yohann?" dali-daling lumapit si Zach sa doctor.
"Kamusta na po ang lagay niya?" nagtanggal muna ng surgical mask 'yung doktor.
"Sorry..malakas 'yung impact ng pagkabangga ng truck sa katawan niya. Sorry..bumigay na siya. Excuse me," umalis na 'yung doktor. Sandaling kaming natahimik.
"Sht!!" sinipa ni Zach 'yung pader/ Lumapit ako sa kniya.
"Zach, kumalma ka," hinawakan ko 'yung kamay niya. Unti-unti siyang kumakalma.
"Sunod-sunod na 'yung patayan. Ano'ng nangyayari sa University na 'to?"
Hindi ko rin alam Zach, hindi ko rin alam.
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Mystery / ThrillerA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...
![Unknown Society [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/97846939-64-k124482.jpg)