Kabanata 49: Assistant Zach

153 2 0
                                    

Christine's POV

Omg....narinig niya yun!? Ugh! Ang shunga ko. Nawawala na yata ako sa sarili ko! Sinampal ko ang pisnge ko at Umupo nalang ako sa upuan ko. Napansin ko wala si Zach sa upuan niya. Nag cucutting nanaman ba yun?

"Tumawag kayo ng tulong!"

Ano yun? Ba't may sumisigaw?

Wala pang teacher sa classroom. Pati unti palang yung mga kaklase namin.

Pumasok na si Greyson sa classroom. Nag blush ako kaagad. Sinampal ko ulit sarili ko. Ba't ako nagbublush!? Kainis ah.

Umupo rin siya sa upuan niya. Biglang may pumasok na lalake naka glasses tapos naka coat. Yamanin toh ah.

Nakapameywang siya sa harapan. "Good Morning..." he greeted us. Bigla siyang tumingin sakin.

Tapos pag tingin ko sakanya. Si Zach!? Ba't naka ganyan yan? Para siyang tanga...

"Where is the girl named Christine?" Tanong niya sa buong klase.

Tinuro ako ng mga kaklase ko. Si Grey nagtataka kung sino siya. Hindi ba obvious na si Zach yun?

Tumayo ako. "Come with me" sabi niya sakin with a smirk. Lumabas kaming dalawa sa classroom.

Sinarado niya yung pintuan. "A-ano? Ba't ka naka ganyan!?" Tanong ko. He chuckled. May inabot siya saking business card. "I'm the new assistant" sabi niya sakin.

Tinignan ko yung card, sabay tingin sakanya. "Mukha kang ewan" sabi ko sakanya.

He crossed his arms. Tapos nilapit niya yung mukha niya sakin. "Ako mukha akong ewan?" Tanong niya.

Magkasing lapit na yung mga mukha namin. "Hot na nga ako eh, ay hindi pala dati na pala akong hot" nilayo niya yung mukha niya sakin.

"Extra hot pala ngayon" I roll my eyes. Anong pinagsasabi nito?

"Psh! Nasusuka nga ako eh! Pwe!" Asar ko sakanya. Tapos pumasok na ako ng classroom.

"Oy Christine! Christine!" Sigaw niya.

"Aishhh hot naman talaga ako eh" bulong niya sa sarili niya.

Bumalik uli ako sa pwesto ko. I crossed my arms. "Sino yun?" Tanong ni Jairo. "Zach..." sabi ko. He gasped.

"Zach!? Si Zach yun?" Tanong ni Jairo.

I nodded. "Ang hot ah" sabi ni Kay. Nag face palm ako. Hindi. Siya. Hot.

"Omggg! Si Zach yun!?" Tanong ni Charlize. Sana hindi ko nalang pala sinabi na si Zach yun. Hayst...

Zach's POV

Nakakasuka daw ako? Hmph...nung paalis na ako. Biglang may nasa harap ko. "Tang----!" Naputol yung isisigaw ko nung nakita ko si Detective pala yun.

"Mag Tang tayo! Sir mag Tang tayo nauuhaw ako eh" sabi ko nalang. I gulped. He looked at me suspiciously.

"Halika na assistant?" Tanong niya. I adjust my glasses. "Assistant Remundo" I responded. He nodded.

"Halika na, I have an assignment for you. Assistant Remundo" sabi niya sakin. Assignment agad!? Lumakad na siya. I sighed, at sinundan ko na siya.

Nung sinusundan ko siya. Nakita ko sila Olivia na nasa CCTV room.

Anong ginagawa nila dun? "Uhm....detective" sabi ko. Lumingon siya sakin. "Oh?"

"Detective ba talaga tawag sayo?" Tanong ko. He chuckled. "Gusto mo bang alamin yung pangalan ko?" Tanong niya.

I shook my head. "Ay hindi po, na curious lang ako po ako kung bakit detective lang tawag sayo" Sagot ko.

"Well....ikaw yung unang makakaalam ng pangalan ko" sabi niya. He smirked.

"Ayoko kasing ishare sa iba yung identity ko kaya detective lang tawag sakin"

"Call me Detective Choi" sabi niya. Choi? "C-Choi?" Tanong ko. He nodded.

Hinawakan ko yung kamay niya, I shaked his hand. "T-thank you detective Choi" sabi ko. He chuckled. Binitawan ko na yung kamay niya.

"Detective...may sisilipin lang ako sandali sa CCTV room" sabi ko sakanya.

"Sure, just meet me at prof's office, okay?" I nodded. "Okay" he continued.

Bumaba na siya. Pumunta naman ako sa CCTV room. "Tanggalin mo yan!" Sigaw ni Olivia.

"Ha? Bakit?" Tanong naman ni Jernegal. "Basta! Tanggalin mo yang footage na yan" sabi ni Olivia kay Jernegal.

"Oo na! Oo na...saglit lang" sagot naman ni Jernegal. Ano yung tatangalin nila? Binuksan ko na yung pintuan.

"Eto din tanggalin---" na cut off si Olivia, nung nakita niya ako. She gasped.

I crossed my arms. Sinarado ni Jernegal yung Laptop niya. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Ummm....may" nauutal na sinabi ni Olivia. "May assignment kami!" Sigaw ni Cassandra.

"Oh? Assignment? Sa CCTV room?" Tanong ko. Hinablot ko yung laptop kay Jernegal. "Oi!" Sigaw niya. Chineck ko yung laptop.

"Anong nilalaman nito?" Tanong ko.

Hindi sila umimik. "Walang sasagot?" Binato ko yung laptop sa lamesa.

"Uy pre!" Kinuha niya agad laptop niya at niyakap niya. "Anong trip mo? Sino kaba!?" Sigaw ni Olivia sakin. Huwaww di pala nila ako nakikilala. Is it because of my new look? Ay-ay-ay...

"Ha? Hindi niyo ko namumukaan? Patawa ba kayo?" Tanong ko.

Tinanggal ko yung salamin ko. "Ako si Remundo. Zach...Remundo" pakilala ko sakanila.

"Psh....panget mo!" Sigaw ni Jernegal. "Anong sabi mo!?" Sigaw ko. "Away? Gulo!?" Sigaw ko.

Hinatak ko siya sa kwelyo. Tinuro ko yung mukha ko. "Itong mukhang toh? Bentang benta toh....kala mo ba?" Binitawan ko na siya.

"Pano ba tanggalin tong kapogian?" I smirked. Tinignan lang nila ako ng masama.

Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon