Christine's POV
Hinampas ko ng malakas sa braso si Zach. Napa-"aray" siya dun.
"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko. SInuklay niya niya ang kamay niya sa buhok niya.
"HIndi ako nababaliw! Amuyin mo 'yang pula mo sa uniform mo!" sabi niya. Inamoy ko ito. ANg langsa.
"Oh? Ano'ng meron? Ang langsa nga eh," sabi ko.
"Amuyin mo maigi!" Ang bossy naman nito. Inamoy ko ulit ito. Teka..pamilyar 'to ah. Nang ma-realize ko kung ano iyon, my eyes widened in shock. Kaya pala ang langsa.
"D-Dugo?" he nodded. Dugo 'to?! Lumapit ako sa puno. Ginalaw ko ng unti 'yung puno. Nagulat ako nang may lumitaw na ulo sa mga dahon. May tumutulong dugo pa sa noo nito. Nakabukas pa ang mga mata nito. Niyakap ko ng mahigpit si Zach. He hugged me back.
"M-May patay nga sa puno," bulong ko sa kanya.
"Ano'ng nagyayari dito?" tanong ni Anna. HUmiwalay ako kay Zach. I just looked at her. Nang Makita niya 'yung puno, napatakip siya ng bibig niya. MAy tumutulong luha sa mga mata niya.
"P-Paano nangyari 'to?!" tanong ni Cathy. Umiyak siya. Dumating din 'yung iba niyang kasama. Napahugulgol sa iyak sina Olivia at Cassandra. May tumulong luha sa isa sa mga mata ni Jernegal. Pinunasan niya agad iyon. Nakatayo si Gresyon habang nakapamulsa sa kanyang pantalon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalungkot. Humarap sa akin si Olivia.
"Paano nangyari 'to?" tanong niya sa akin,
"D-Di ko alam," sabi ko. Lumayo muna si Jernegal. May kausap ata sa phone niya. MAya-maya bumalik na siya.
"Parating na daw dito 'yung ambulansya," ambulansya pala kausap niya kanina. May lalaki na tumatakbo sa direksyon namin. Napaiyak siya ng makita niya 'yung puno. Lumapit siya sa puno.
"Kyle.." sabi niya habang hinahawakan ang mukha nito. Siya si Yohann. Boyfriend ni Kyle. Napahagulgol siya sa iyak. Maya-maya dumating na 'yung ambulansya. Naglatag na sila ng stretcher. Inihiga nila si Kyle doon. SI Jernegal cinocomfort si Yohann. Sumama ako sa ambulansya.
"Sunod na lang kami," Zach said. I nodded. Pumasok na kami sa ambulansya. Hawak ko 'yung kamay ni Kyle.
"B-Blood.." Teka..siya ba 'yun? Tumingin ako sa kanya. Siya nga!! "B-Blood..."
"Kyle? Okay ka lang?" tanong ko. 'DI niya ko pinansin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"B-Blood," Ba't puro siya sabi ng sabi 'Blood'? "M-Moon..." Huh? Moon?
"Kyle, ano ba 'yang sinasabi mo?" may binulong siya. 'Di ko narinig eh. Nakadating na kami sa hospital. Nilabas na siya sa ambulansya. Pumasok na kami sa hospital. Diniretso siya sa ER. Naghintay ako sa labas.
"Christine..nasaan siya?" tanong ni Zach. Nandito na pala sila. Sina Greyson, Anna, Cassandra, Olivia, Yohann, at si Zach.
"Nasa loob siya ng ER," sagot ko. Umupo sa tabi ko si Zach. Ano ba 'yung sinasabi ni Kyle kanina? Blood? Moon? Ano'ng meron?
"Zach?" tanong ko.
"Hmm?" tanong niya.
"May sinabi si Kyle kanina. 'Di ko siya maintindihan," sabi ko. Napatingin siya sa akin.
"Huh?"
"May sinabi siya sa akin kanina,"
"Oo nga. What do you mean na 'di mo siya naintindihan? Nag-Chinese ba siya?"
"Hinde! May sinasabi siya eh. Tinatanong ko siya pero ayaw niya ako sagutin,"
"Ano ba 'yung mga sinabi niya kanina?"
"Pahiwalay-hiwalay eh,"
"Ano ba kasi 'yung sinabi niya?"
"Bloo-" bago ko pa matapos sasabihin ko, lumabas na 'yung doktor galing sa ER.
"Relatives of Ms. Kyle?" napatingin kami lahat sa doktor. Lumapit kami sa kanya.
"Kami po," sabi ni Cassandra. Niremove ng doktor 'yung surgical mask niya.
"We did everything we-"
"Dok! Wag mo sabihin 'yan! Buhay pa si Kyle! Diba?!" sigaw ni Yohann. Inaawat naman siya ni Greyson. The doctor smiled sadly at him.
"I'm sorry. We did everything we can. Pero 'di niya nakaya. Nasaksak ang puso niya. I'm really sorry," he bowed to us before leaving us. May sandaling katahimikan na namagitan sa amin. Sinuntok ni Yohann 'yung pader. Inawat naman siya nina Zach at Greyson.
"Buhay pa si Kyle! Diba, Christine?!" humarap siya sa akin. Napaiyak ako. Nang 'di ako sumagot. Napasabunot siya sa buhok niya at umiyak. Niyakap ko si Zach. He hugged me back.
"Wala na si Kyle."
BINABASA MO ANG
Unknown Society [ON GOING]
Mystery / ThrillerA girl named Christine is a transferee at Hillard University, a school full of mystery. There's full of reports that many students went missing and found dead at Hillard University, She met Zach as her "partner" they want to find out what's happenin...