Kabanata 27: The Tour

225 3 0
                                    

Christine's POV

"Okay, class. Today will be the tour," sabi ni Prof Will. Nagtaas ng kamay si Olivia.

"Sir, what tour?" tanong nito.

"Oh, for the new students. Grey will be touring you around the school," sabi ni Prof. Well, 'yung virus na kumalat. 'Yung ubo't sipon. Wala na. Okay na sila. 2 days pa kasi simula nang mangyari 'yun.

"That's all. Class dismissed," sabi ni Prof bago lumabas ng room. Nagsitayuan na 'yung iba, kaya tumayo na din ako. Lumabas na 'yung new students kasama si Grey. Tingnan ko ng matagal si Grey. Haay. Sana new student na lang ako.

"Laway mo tumutulo," sabi ni Zach sa tabi ko. Huh? Hinawakan ko 'yung bibig ko.

"Hahahahahahahahahaha!" tawa niya. Wala naman eh! Pinalo ko siya ng malakas sa braso. Inirapan ko siya bago naglakad papuntang dorm namin.

Charlize's POV

"So, this is the library," sabi ni Greyson. Tinuro niya ang pinto sa kanan namin,

"And this is the Science Lab," turo niya sa pinto sa kaliwa namin,

"Are you catching up?" tanong niya. Tumango kaming lahat. Geez. Ang laki pala ng school na ito. Lumagpas kami sa isang room.

"Greyson," tawag ni Hadwin. Lumingon si Greyson.

"Yes?" humarap si Hadwin sa room na nalagpasan namin. Nagtataka ako sa pintuan nito. Puro kalmot. Tsaka parang may..dugo? Halata mo naman na may ilang bahid ng..dugo? Ugh. Dugo ba 'yun o ano?

"Ano'ng room 'to?" tanong ni Hadwin. Tumingin si Greyson sa pintuan.

"I don't know. We're not allowed to go inside there. Not even me," sabi niya naglakad palayo. Nakatingin lang kaming lahat sa pintuan.

"Let's go," sabi ni Greyson. Naglakad na papunta sa kaniya 'yung iba. Pero ako, nanatiling nakatayo sa harapan.

"Hey! Charlize!" tawag sa akin ni Greyson. Napatingin ako sa kaniya. Naglakad ako papunta sa kaniya. Lumingon ako para tinginan ulit 'yung pintuan. The whole tour occupied 'yung isip ko. Dahil dun sa pintuan na 'yun. Ano'ng meron dun? Bakit kami bawal doon?

Yohann's POV

Naglalakad ako papuntang dorm namin nang..

"Oomph!" may nagtakip sa ilong ko. Pilit kong lumaban pero 'di ko kaya.

Then everything went black.

***

Minulat ko ang aking mata. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa loob ako ng isang kotse. May taong nakatayo sa labas ng kotse. 'Di ko alam kung sino ito dahil naka-hood ito. Tanging bibig lang ang nakikita. Ngumiti ito sa akin.

"Enjoy your ride. Someone's waiting for you," sabi niya bago umalis. 'Someone's waiting for you'? May nakita akong papel sa dashboard. Kinuha ko ito at binasa,

Drive to Manolo Highway

At bakit? Wag nalang kaya ako pumunta? Paano kung importante? Someone's waiting for you? Baka duon 'yun?

"Bahala na nga," bulong ko bago pinaandar ang kotse. Buti nalang talaga walang trapik. Malapit na ako sa highway nang may nakita akong truck na sasalubungin ako. Inapakan ko 'yung brake.

"Sht!!" sigaw ko nang 'di gumana 'yung brake. Ba't ayaw gumana?! SIra ba 'to?!! Tumingin ako sa harap. Malapit na.

"Fck!! Ba't ayaw mo gumana?!" sigaw ko. Tinadyakan ko paulit-ulit 'yung brake pero ayaw pa din. Ano'ng meron ditto sa kotse nito?!! Nakikita ko na 'yung ilaw ng truck. Tinadyakan ko ulit 'yung brake, ayaw pa din. Tinatadyakan ko ulit 'to nang...

CRASH!

Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon