Kabanata 22: New Student!?

250 3 0
                                    




Christine's POV

Jump in the Cadillac~

Girl, let's put some miles on it~

Anything you want~

Just to put a smile on it~

You deserve it, baby, you deserve it all~

And I'm gonna give it to you~

Nakikinig ako ng music habang papunta sa susunod kong klase. Pasimple akong sumasayaw habang naglalakad. Busy ako sa pagsasayaw nang may nabangga ako.

"Sorry!" sabi ng babae. Tinanggal ko 'yung earphones ko at nilagay na sa bag ko. Nahulog ang mga libro niya kaya tinulungan ko siyang magligpit.

"Sorry po," sabi niya habang nakatungo. Pinagmasdan ko siya. Maypagkamaliit siya. Mahaba ang buhok at kayumanggi ang kulay.

"Ah, okay la-"

"Charlize!!" napatingin kami sa babaeng tumatakbo. Hingal na hingal siyang lumapit sa amin.

"H-Hindi mo.. m-man lang a-ako ..h-hinintay," sabi ng babae. Napatingin 'yung babae sa akin. Tumayo siya ng maayos.

"Sino siya?" tanong niya kay..Charlize? Charlize shrugged. Tiningnan ko 'yung babae. Maputi, matangkad, at shoulder length hair.

"Uhmm..Christine nga pala," ngumiti silang dalawa sa akin.

"Ako nga pala si Ginny, siya naman si Charlize," inakbayan niya si Charlize.

"Bago ba kayo dito?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi sila nakita dito.

"Opo," sabay nilang sagot.Tumingin si Charlize sa relo niya.

"Ginny, halika na. Malapit na magsimula 'yung klase natin," napatingin si Ginny kay Charlize.

"Ay! Oo nga pala! Sige, alis na po kami. Bye!" they waved at me before walking away. Teka..naiihi ako. Pumunta ako sa CR at pumasok na isang cubicle. Nang nagawa ko na ang gagawin ko, lumabas na ako ng cubicle.

May nakita akong babae na nagpupolbo. Napatigil ako at ganun din siya. Pinagmasdan ko siya. Kayumanggi, tama lang ang height, at wavy 'yung hair. Ang ganda naman nito. Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. Nilabas ko ang suklay ko. Tinanggal ko ang ponytail ko at nagsuklay ako.

"Wag ka mag-ipit. Bagay sa'yo nakalugay," napatingin ako sa katabi kong babae. Nakatingin siya sa akin sa salamin. Ako ba kinakausap niya? Mag-iipit na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Bagay sa'yo nakalugay. Ang ganda mo kapag nakalugay ka," Confirmed. Ako nga kausap niya. Pinasok ko 'yung ipit ko at suklay sa bag ko.

"Ako nga pala si Kay," napatingin ako sa kanya. Ngumit ako sa kanya.

"Christine," sabi ko tapos nakipag-shake hands ako sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Nang matapos 'yung shake hands naming, kinuha niya 'yung bag niya at hinila ako palabas.

"Teka! 'Yung bag ko," sabi ko bago pumasok ulit sa CR at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako. Nakita kong may kausap siyang lalaki.

"Ayun sya oh!" turo sa akin ni Kay. Dahil nakatalikod 'yung lalaki sa akin, lumingon siya. Medyo chubby 'yung lalaki at maitim. Lumapit silang dalawa sa akin.

"Ang ganda mo naman, girl!" sabi ng..lalaki? Kasama ba 'to sa pederasyon o ano?

"Ah, Christine, si Jairo nga pala," ngumiti ako dun sa lalaki.

"Hi!" bati sa akin ni Jairo. I smiled at her or him.

"Bago ba kayo dito?" tumango sila sa akin. Ba't ang daming bago ngayon?

"Ah, Christine, alis na kami," sabi ni Jairo. Tumango ako. Umalis na silang dalawa ni Kay. Pumunta na ako para sa susunod na klase.

Zach's POV

Nasa library ako ngayon. Hinihintay ko 'yung susunod na klase ko.

"Ang hirap naman nitong Polynomials,"

"Ano'ng mahirap? 'Di ka lang kasi nakikinig, Tsaka wala namang assignment, ah?"

"Hoy. Nakikinig kaya ako. Tsaka, bakit ba? Masama na ba mag-aral?" Ang ingay naman! Binaba ko ang libro na binabasa ko at tinginan ko 'yung dalawa sa harap ko.

"Sssh! Pwede ba? Wag kayo maingay," bulong ko.

"Ikaw kasi!" sabi nung isa.

"Ano'ng ako?" sabi nung may glasses.

"Wag nga kayo maingay!" bulong ko.

"Sorry," sabay nilang sabi. Tiningnan ko ang relo ko. Shoot. 20 minutes nalang. Tumayo na ako at binalik na ang libro. Ganun din ang ginawa nung dalawa. Hanggang sa labas sinundan nila ako. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanila.

"Sino ba kayo?" tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa.

"Hadwin," sabi nung nakaglasses. May pagkamaliit ito.

"Patrick," sabi nung isa. Ba't andaming pimples nito sa noo? Hindi ba uso sa kanya 'yung Eskinol? Maxipeel?

"Bago kayo?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi sila nakita.

"Oo. Ikaw? Ano'ng pangalan mo?" tanong ni Hadwin.

"Zach," sabi ko tapos nginitian ko na sila. Naglakad na ako papunta sa sususnod ko na klase.

Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon