Kabanata 62: Dead or Alive?

181 2 2
                                    

Christine's POV

"Zach....kaya mo yan, lumaban ka lang!" mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya.

Unting-unti nalang baka hindi ko na mahawakan ang mga kamay niya. "Paki bilisan po!" sigaw ko sa driver. Bawat Segundo nababawasan siya ng dugo. Malapit lapit na rin kami sa hospital.

Charlize's POV

Nakarinig ako ng siren ng ambulansiya, bumangon ako sa hinihigaan ko.

"Ambulansiya sa ganitong oras?" I murmured to myself. Nagising na rin si Ginny. "Huh??? Anong nangyayari?" naalimpungatan ito.

Tumayo na ako at lumabas ng walang pagaalinlangan. "Charlize!!! San ka pupunta babae ka?!" sigaw niya pero hindi na ako lumingon.

Lumabas na ako ng dorm. Naririnig ko parin yung ingay ng ambulansiya. Pero mayroon akong nakita.

It's really odd. My heart is palpitating sa nakikita ko, they're walking towards my direction.

Si Anna tsaka may kasama siyang lalake pero hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil naka mask siya.

They just walk pass through me, their eyes were gazing. "Anna!" sigaw ko.

Tumigil sila sa paglalakad, tumingin sakin yung lalake. "Why did you do it? WHY!!!??"

"Pinagkatiwalaan ka namin! Isa ka din pala!" the atmosphere went dark, "Vincent let's go..."

"ANNA JOECEL D. GARCIA!" this time hindi niya na ako mapipigilan. "Ayun ba yung pangalan mo?"

Napalingon siya, "Shut up! Shut up, shut up!!!" sigaw niya, her eyes filled with fury. "Hindi mo kilala yung kinakalaban mo Charlize..." sabi niya sakin. "You'll regret this...I'm telling you"

At tinalikuran niya ako. Aba bastos. Tumakbo ako patungo sakanya, at hinila ko yung buhok niya.

"HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw ko. "Aray---!"

"Alam niyo kung gano karami yung pinapatay niyo?! Mamatay tao!"

Yung lalakeng kasama niya walang magawa, nakatingin lang siya samin. "Ngayon....patunayan mo, ipakita mo sakin na kagaya ka din nila!!!" tinulak ko siya.

"Ano? Takot ka? Ano...sige patayin niyo ko ngayon. NGAYON NA!!!!" sinamaan nila ako ng tingin.

Grey's POV

Mas pinabilisan ko pa ang takbo ng kotse. "Aishhh...." Pinaikot ko yung kotse, binuksan ko ang radio.

"Malapit lapit na rin tayo----" I pursed my lips, when I heard someone talking on the radio.

"Nagsisimula nanaman ang bagsik ng Hillard University. Maraming nagsasabi na maraming estudyante ang nawawala dito at sa kinabukasan nakikitang patay----"

Paano umabot sa media? P-paano? First time ko lang makarinig ng balita tungkol sa school ko.

"Since 1970's marami rami ng estudyante ang nawawala dito sa eskwelahan na ito...hanggang ngayon isa pa ring palaisipan ang nangyayari sa mga estudyante"

It...can't be. "At hindi parin tiyak kung sino ang pumapatay sa mga estudyante, posibleng estudyante----"

I turned off the radio, di ko na kayang pakinggan pa. Nag ring yung cellphone ko, naka speaker mode.

"Sino toh?' tanong ko. "Grey!" boses ni Jernegal. "Bakit? Anong kailangan mo?"

"Nasan ka?!" Tanong niya sakin. "Papunta ako sa hospital...bakit?"

"Wag kang pupunta, bumalik ka dito, nagmamakaawa ako. Bilisan mo!" anong pinagsasabi ng lalakeng toh? "Ano!? Wait----Jer-Jernegal!!!" binaba niya na, sinuntok ko yung manubela.

Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon