Kabanata 31: Grief

200 6 0
                                    

Grey's POV

Hindi pa rin maka get over si Zach sa nangyare. Ako rin, hindi rin naman din ako maka get over. Nagpupuyat si Zach. Ako din nagpupuyat, dahil sa kakadabog niya.

"Ha-ha-ha" tumatawang lasing na Zach. Umiinom siya ng beer. Kaya ganyan, nabaliw na.

Hinayaan ko nalang siya.

Bigla niyang inuntog sarili niya sa pader. Nabigla ako, kaya tumingin ako sakanya. "Oi pre tama na yan..." sabi ko sakanya.

Ngumiti siya. "S-sagutin mo nga a-ako! G-Grey. GREYSON!" Sinigawan niya ako.

"Alam mo ba kung anong nangyayare dito? Ha?" Lasing na lasing na talaga toh. I shook my head.

"Hindi ko alam" sabi ko sakanya. He chuckled. "Nakakatawa ka" uminom siya ng unting beer sa bote.

Tumahimik ng saglit.

"Ikaw? Di mo alam? Impossible!"

Tinignan ko lang siya. "Kay tagal...... mong nandito", inikot niya yung boteng hawak niya.

"Heh. Nakilala mo pa nga kuya ko eh, diba?" Sabi niya, habang lumalaklak ng beer.

"Kuya mo?" Tanong ko. "Oo, si... Alexander Paul G. Remundo. I'm sure kilalang kilala mo yun" natulala ako ng saglit.

"Matulog nalang tayo brad" hinila ko yung comforter. "Oi oi oi saglit lang, nagkwekwentuhan tayo diba?"

I smirked. "Bukas nalang tayo magusap, inaantok na ako eh" sabi ko sakanya.

"Pambihira..." sabi niya sakin.

Christine's POV

Nagaalala ako kay Zach, baka mamaya magaway yung dalawa.

Bakit ba kasi nangyare yun!? Haysss! Endless death? Jusko. Nakakatakot na ha. Hindi ako makatulog kakaisip. Ughh! Kabadtrip!

"Hindi ka makatulog?" Tanong sakin ni Anna. Napaupo ako sa kama.

I nodded. "Oo eh, ang bilis naman kasi na nangyare. Pati may point din si Zach. Marami na ngang namamatay dito sa university na ito, parang delikado na nga lumakad lakad sa mga hallway eh" sabi ko kay Anna.

"Christine relax.... baka nangyare lang talaga ang nangyare" sabi niya sakin.

Pero still, sino ba pumapatay sakanila? Hindi ako mapakali!

"Can we just talk about Blood Moon? Ba't walang nakakaisip na baka sila nga yung pumapatay?" Sabi ko kay Anna.

"Christine, you better keep your mouth shut. Baka marinig nila." Anong ibig sabihin niya?

"So... alam mo? Na sila nga pumapatay? Ba't hindi mo sinabi?"

"Shhhh, quiet" sabi niya sakin. "May tinatago ka ba Anna? Sabihin mo lang. Hindi naman ako delikado" napatingin siya sa bintana, tapos hinila niya yung nga kurtina.

"Anong ginagawa mo?" Hinihila niya parin yung mga kurtina. "Anna?"

Napatingin siya sakin. "Christine... just keep quiet. Please." I raised an eyebrow. "At bakit?" She glared at me.

"Wag ka nang magtanong" sabi niya sakin. Bumalik uli siya sa higaan niya. At natulog na siya.

I felt that this university is weird, even Anna is acting weird. Just... weird.

Natulog na din ako.

**

Tumunog yung alarm ni Anna. UGH! May alarm clock pala! Tinakpan ko yung tenga ko ng unan. "Patayin mo" sabi ko kay Anna. Tumutunog parin yung alarm clock.

"Anna! Patayin mo" napabangon ako sa higaan ko. Nakita ko nalang na wala si Anna sa higaan niya. Saan naman nagpunta yun? Kaya ako nalang ang nagpatay ng alarm clock.

"Makabangon na nga" sabi ko sa sarili ko. Nagising kasi ako sa bwiset na alarm clock na yan eh! Naligo na ako. At nagbihis ng pang uniform. Kumain na rin ako.

Lumabas na ako ng dorm. Nakalimutan ko, baka may humila sakin dito sa mga hallway. Tinignan tignan ko yung hallway. Walang tao. Wahhhh nakakatakot.

Pero ang swerte ko.... nakasalubong ko si....






Greyson... Ayieeeee kinikilig ako!
Lumakad ako papunta sakanya. "Pupunta ka na sa room?" Tanong ko sakanya. Napatingin siya sakin, at nag smile siya sakin. "Oo" nag smile din ako sakanya.

"Sabay na tayo" sabi ko sakanya. Nanahimik ng saglit. "Oo nga pala Grey, okay lang ba si Zach kagabi?" Tanong ko sakanya.

"Uhm si Zach?" Kinamot niya ulo niya. Tapos tumingin siya sa malayo. "Nag lasing siya kagabi" he continued. Naglasing yung lalakeng yun? At teka hindi ko alam na umiinom pala siya ah.

"Tapos kwento siya ng kwento ng kung ano-ano" face palm. Ano nangyayare sayo Zach? Ang drama naman ng lalakeng yun.

"Ay eh, hayaan mo na yun. Baliw lang talaga yung lalakeng yun eh" sabi ko kay Grey.

Pumasok na kaming dalawa sa classroom.




Unknown Society [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon